Kim Chiu tuturuan ng leksiyon ang teen housemates
MANILA, Philippines - Pinagbigyan ng primetime princess at unang Teen Big Winner na si Kim Chiu ang kahilingan ni Big Brother na muli niyang bisitahin ang Pinoy Big Brother (PBB) ngayong linggo para magbahagi ng aral sa teen housemates ng PBB Teen Edition 4.
Bilang ehemplo ng kabataang minsan nang nagpakatotoo sa PBB, bibisitahin ni Kim ang Bahay ni Kuya upang maimpluwensiyahan ang kasalukuyang teen housemates. Paano nga kaya makakaapekto ang pagdalaw ng Kapamilya star sa kanila?
Pakaabangan ang mas malaliman pang pagkilatis sa natitirang housemates at ang sunud-sunod na malalaking pasabog na ihahain ni Kuya sa huling apat na linggo ng programa bago ang Big Night na nakatakdang ganapin sa Hulyo 7.
Habang automatically nominated si Myrtle para sa pagkapili sa kanya ng lalaking housemates, nominado naman si Tom dahil umano sa mga hindi nakakatuwang biro niya at si Yves dahil sa pagiging manloloko nito kay Myrtle at sa nobyang si Kim.
Huwag palampasin ang PBB Teen Edition 4 kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng Dahil sa Pag-ibig sa Primetime Bida, sa PBB Teen Edition 4 Uber 2012 kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at John Prats pagkatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo sa Kapamilya Gold at sa SabadUBER pagkatapos ng Showbiz Inside Report tuwing Sabado sa ABS-CBN. Huwag namang magpahuli sa mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang Sekretarya ni Kuya sa @OfficialPBB4 sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/OfficialBigBrother.
- Latest