^

PSN Showbiz

Buy out hindi merger?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Ano ba talaga ang totoo? The other day katsika namin si Mr. Felipe Gozon, CEO and chairman ng GMA 7, at tulad nang sinabi niya na nabanggit ko na kahapon, merong nangyayaring usapan sa pagitan nila ni Mr. Manny V. Pangilinan pero wala pang resulta as in wala pang definite answer kung kailan at magkano ang involved sa bilihan ng GMA 7. Ang tanungin daw ay si Mr. Pangilinan.

Ang sagot naman niya kung anong reaction niya sa binanggit ni Mr. Pangilinan na “’Wag n’yo ring kalimutang suportahan ang GMA 7” sa launching ng TV5 sa Amerika:

“Dish does not carry TFC. But it carries in a bundle TV5 and GMA 7.

“So maybe the context of his statement, to support also Channel 7, has something to do with Dish carrying TV5. I can see the point because Channel 7 is really more popular than TV5 even abroad.

“So maybe he wanted to ride on the coattails of GMA 7 in the U.S. That was a grand launch of TV5 in the U.S. And so he said they never mentioned anything about merger, or November or anything of sort,” interpretation ni Mr. Gozon.

Though idinenay mismo ng TV5 na misquoted lang si MVP at ang ibig sabihin lang ay pino-promote nga lang ang GMA Pinoy TV bilang bundled ang Pinoy TV at international channel ng TV5 dahil iisa nga ang provider nila.

Pero kahapon may kausap kaming super reliable source. Ang kuwento, tuloy ang bilihan at ang approval na lang ng National Telecommunication Corporation ang inaayos at boom, ayos na ang buy out.

Meaning, tama ang interpretation ni Ruffa Gutierrez na nagpo-promote na nga si MVP ng GMA 7.

Ang say ng isa pang source kasi, binawalan lang ng mga abogado na magsalita ang dalawang kampo – MVP and GMA 7 — para wala nang mas­yadong ingay.

Pinakamaliit ang share ni Mr. Gozon sa tatlong pamilya na may-ari ng Kapuso Network – Jimenez and Duavit.

Well, ang pinakamabuti nating gawin ay hintayin ang November kung talagang magkakaroon ng buy out sa GMA 7.

Buy out ha? Hindi raw merger or consolidation.

Faithfully, promising

Promising ang bagong afternoon teleserye ng GMA 7 na Faithfully. Ito ang papalit sa Broken Vow at mapapanood simula sa June 18 sa GMA Afternoon Prime.

Ang gaganda ng mga babaeng bida – Maxene Magalona, Isabel Oli, Vaness del Moral, Michelle Madrigal, at Isabelle Daza.

Pero wala naman daw patalbugan. May kanya-kanyang moment sila sa nasabing drama, mystery and suspense serye na original concept ni RJ Nueva na idinirek ni Mike Tuviera.

Jessica kakanta na naman ng us national anthem sa NBA

Uy, kakanta raw si Jessica Sanchez ng national anthem ng Amerika sa NBA bago ang first game ng Oklahoma Thunder at Miami Heat na mapapanood sa bansa ngayong araw.

 “So tired lol. In vegas, heading to oklahoma :)” sabi ni Jessica sa kanyang Twitter account.

Ang bongga lang ni Jessica. After sa Memorial Day sa Amerika, siya rin ang kumanta sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr.

AFTERNOON PRIME

AMERIKA

BROKEN VOW

GMA

ISABEL OLI

ISABELLE DAZA

JESSICA

JESSICA SANCHEZ

MR. GOZON

MR. PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with