Buong Pilipinas shocked!
SEEN: Hindi matanggap ng mga tagahanga ni Congressman Manny Pacquiao na tinalo siya ni Timothy Bradley, Jr. sa laban nila kahapon sa Las Vegas, Nevada. Shocked ang buong Pilipinas sa hindi makatarungan na pagkatalo ni Pacquiao.
SCENE: Nalungkot at napaluha ang mga supporter ni Rep. Manny Pacquiao sa resulta ng boxing fight nila ni Timothy Bradley, Jr. Mas maaga na rematch ang sigaw ng mga tagahanga ni Pacquiao.
SEEN: Malakas na boo mula sa audience ang umalingawngaw sa loob ng MGM Garden Arena nang ideklara si Timothy Bradley, Jr. bilang bagong WBO welter weight champ.
SCENE: Para kay Congressman Manny Pacquiao, klarung-klaro na siya ang nanalo sa laban nila ni Bradley ngunit dapat igalang ang desisyon ng mga hurado.
Nangako si Manny na babawi siya sa rematch sa November 2012.
SEEN: Ibinuhos sa Twitter ng American TV host na si Mario Lopez ang disappointment niya sa pagkatalo ni Manny: “I’m so disgusted. The JUDGES need to be drug tested! What fight were they watching?! I called the international broadcast and was on the apron and Pacquiao simply outclassed him. Wasn’t even close in my eyes... Unbelievable. So, disappointed in my sport. Boxing is killing me.”
SCENE: Mahusay si Kirby Asunto, ang 14-year-old Fil-Am girl na umawit ng Philippine National Anthem sa laban nina Pacquiao at Bradley. Malinaw ang lyrics at nasa tono ang pag-awit ni Kirby sa Lupang Hinirang.
- Latest