Shaina, nakipagsampalan sa kabit
Manila, Philippines - Sampal, sabunot, at masasakit na salita ang nakuha ng kabit ng asawa ni Shaina Magdayao sa de-kalibreng OFW-serye ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo. Matapos magdesisyong lumipad sa Doha, Qatar upang makipag-ayos sana sa kanyang mister na si Paul (Jake Cuenca), haharapin na ni Sarah (Shaina) ang pinakamasakit na pagsubok sa buhay mag-asawa--ang pagharap sa katotohanang pinagtaksilan siya ng nag-iisang lalaking minahal niya. Paano aayusin ni Paul ang gulong dinulot ng pangangaliwa niya? Matatanggap ba ni Mia (Bangs Garcia) kung sakaling iwanan siya ni Paul? Mabubuo pa ba ang pagmamahalang Paul at Sarah na winasak ng kataksilan? Huwag palampasin sa Kung Ako’y Iiwan Mo pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
- Latest