Wynwyn hindi pa rin nakikilala ng personal ang asawa ni Alma
Isa rin si Wynwyn Marquez sa mga artistang babae na palaging nabubulilyaso ang pagpasok sa beauty contest. “Dream ko talagang sumali sa mga beauty pageant pero everytime na mag-decide ako ay may dumarating na projects,” sabi ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.
Unang napanood sa Blusang Itim si Wynwyn bilang kontrabida ni Kylie Padilla at kontrabida na naman siya ngayon ni Louise delos Reyes sa One True Love.
“Hindi ako totally mean dito, naiinggit lang ako sa character ni Louise,” depensa ni Wynwyn.
Siya ang gumaganap ng role ng kapatid ni Agot Isidro sa kanyang third project with GMA 7. Ang ikalawa ay ang Hiram na Puso na kung saan ay kaibigan naman siya ni Bela Padilla.
Aksidente lang ang pagiging artista ni Wynwyn.
Akala niya ay magge-guest lang siya sa Party Pilipinas. She totally enjoyed her stint kaya itinuluy-tuloy na niya. Bago ito ay gusto lang niyang magnegosyo since graduate siya ng business course. Gusto niyang magbukas ng restaurant na ipagpapatuloy niya kapag nakaipon na siya.
Ayaw niyang pumasok ng pulitika, ipinamamahala na lamang niya ito sa kanyang amang si Joey, inang si Alma at kapatid na si Jeremy Marquez na sandali ring nag-artista.
Ayaw ni Wynwyn na gumanap sa mga sexy scenes. Marunong naman daw siyang umarte. At kahit nata-type cast siya sa kontrabida roles, nangangarap din siyang maging bida balang araw.
Sa kasalukuyan ay exclusively dating sila ng isang nonshowbiz guy.
Hindi pa niya name-meet ang bagong asawa ng kanyang ina pero kapag nasa Maynila ito ay nagri-reunion silang magkakapatid. Kahit marami silang magkakapatid, may anim siyang kapatid sa ina, 15 sa ama ay siniguro ni Joey na mapaglapit sila. Bukod sa magkakakilala silang lahat ay close rin sila.
Alden gusto ng sariling identity
Hindi lamang ang movie press ang nagulat ng sabihin ni Louise delos Reyes na wala silang relasyon ng napapabalitang boyfriend niya at ka-MU-han na si Enzo Pineda. For a time ay sa kanya mismo nanggaling na exclusive sila sa isa’t isa ng StarStruck winner, hindi man tuwirang masasabing mag-boyfriend sila pero may mutual understanding na sila sa isa’t isa.
Marami tuloy ang nagsasabing mahirap nilang maitawid ni Alden Richards ang tambalan nila kung ganyang taken na siya. ’Yun marahil ang dahilan kung bakit biglang kambyo at hindi maamin ni Louise ng direkta na may unawaan na sila ni Enzo pero sa kaalaman ng lahat ay sila na ngang dalawa.
Louise put a stop to this speculation sa launch ng One True Love na pagbibidahan ng love team nila ni Alden sa kauna-unahang pagkakataon. Kung ginawa niya ito for the sake of their love team o talagang wala pa silang pormal na relasyon ni Enzo ay nakabigla sa lahat, lalo na kay Alden na umaming kung kaya hindi niya iniisip na ligawan ang kapareha ay dahil sa taken na ito.
Hindi naman masyadong makakaapekto sa kanilang love team kung may boyfriend man o wala si Louise dahil wala pa rin naman siya sa posisyon na puwede na siyang mag-girlfriend.
Sa trabaho at sa kanila nakatuon ang kanyang pansin. Tatlo silang magkakapatid at kahit hindi siya ang panganay, sinusuportahan niya sila. Pinag-aaral niya ang bunso sa kolehiyo habang itinataguyod ang kuya niya na makakuha ng board exams sa nursing.
Nang umuwi siya buhat sa premiere ng The Road, may uwi-uwi siyang isang Louis Vuitton bag para sa lola niya, isang PSP console para sa kuya niya at maraming damit para sa kapatid na babae. Hindi niya nakalimutan si Louise, may binili siyang key chain para rito sa Disneyland.
Walang girlfriend sa kasalukuyan si Alden pero nakaka-apat na relasyon na siya sa mga non-showbiz girls.
Matangi sa ginawa nila ni Louise na romantic teaser para sa One True Love, wala pa silang nakukunan na eksenang magkasama gayong magsisimula na ang serye sa June 11, Lunes. Hindi nila first time na magkaroon ng kissing scene sa One True Love, nagkaroon na rin sila ng ganitong eksena sa Alakdana na inabot ng ilang takes bago nila na-perfect. Sa teaser ng One True Love, one take lang sila.
Humaba lang ito dahil kinunan sa iba’t ibang angles. Kahit flattered siya na maikumpara kay John Lloyd Cruz, gusto niyang magkaroon ng sariling pangalan at identity.
Nakaabot ng second year college si Alden sa La Salle. Kapag bumalik siya ng eskuwela, pagpi-piloto ang pag-aaralan niya.
Batang nilalangoy ang dagat bago makapag-aral nasa MMK
Sigurado ako na pag-iinteresan ng mga manonood sa telebisyon na mapanood ang istorya ng isang 11 taong gulang na kabataang babae na kinakailangang lumangoy ng dagat para marating ang kanyang pinapasukang eskuwelahan.
Siya si Rizza na ang role ay gagampanan ni Abby Bautista. Dati ay dalawa sila ng kanyang kuya na nilalangoy ang dagat para lamang makapag-aral. Pero huminto ito kaya naiwan siyang mag-isa.
Kasama ni Abby sa episode na ito ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, June 9, sina Arjo Atayde, Lito Pimentel, Anna Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, at Crispin Pinesa, sa direksiyon ni Rechie del Carmen.
- Latest