Dalawang takas sa shootout sa Edsa isinuko dahil sa XXX
MANILA, Philippines - Dahil sa ipinalabas na ulat ng XXX sa naganap na shootout sa pagitan ng pulis at grupo ng mga kawatang nambibiktima sa mga pampasaherong bus sa EDSA noong nakaraang linggo, isinuko sa awtoridad kamakailan ang dalawa sa nakatakbong miyembro nito.
Tunghayan ang ekslusibong panayam ni Julius Babao sa kanila ngayong Lunes (June 4) at pakinggan ang bersyon ng kanilang kuwento sa naganap na engkwentro at kung ano ang isisiwalat nila tungkol sa kanilang sindikato.
Habang inaalam ni Julius ang panig ng mga mandurukot, tututukan naman ni Anthony Taberna ang hinaing ng isang nangangarap maging seaman na matapos kumuha ng kursong Basic Safety Training bilang requirement sa pag-a-apply ay napag-alamang hindi na pala accredited o kinikilala ng Marina ang Philippine Seafarers Training Center kung saan siya nag-aral. Kaya naman napunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.
Nang puntahan ni Anthony ang naturang institusyon ay laking gulat niya ng malamang tumatanggap pa rin ito ng estudyante gayong matagal ng hindi kinikilala ang kanilang akredistasyon.
Tunghayan ang buong ulat ng XXX ngayong Lunes (June 4) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.
- Latest