^

PSN Showbiz

Paano na si Heart, Sid nakipagbalikan sa rakistang GF?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Pinag-iisipan pa ni Dennis Trillo kung isasama niya ang anak na si Calix sa premiere night ng Boy Pick-Up: The Movie na gaganapin sa Cinema 9 ng SM Megamall mamayang gabi.

Baka hindi lang kasi niya maasikaso ang anak dahil magulo at maraming tao kapag premiere night.

Excited pa naman ang anak niya na mapanood ang pelikulang ito.

Nangako naman si Bianca King na sasamahan niya si Dennis sa premiere night.

PAK: Nagulat si Sheena Halili sa kumakalat na isyung buntis ito courtesy of Rocco Nacino.

 “Hindi ko nga po alam kung saan nanggaling ’yun kasi sa taping ng Tweets for My Sweet nakita nilang kumakain kami ng mangga. Bawal bang kumain ng mangga?

 “’Tapos narinig din nila na nahihilo ako. Baka ’yun na ang naisip nila na buntis na ako,” kuwento ni Sheena.

Nahihiya lang si Rocco sa mga magulang niya kasi baka hindi na magtiwala sa kanya.

Dagdag pang hirit ni Sheena, imposible talagang mabuntis siya dahil wala naman silang ginagawa ni Rocco. Ayaw ng young actress na mawala ang tiwala ng mga magulang niya kay Rocco.

BOOM: Kamakailan lang ay kinumpirma ni Sid Lucero na break na sila ng drummer ng bandang General Luna na si Bea Lao.

Hindi raw maayos ang break-up nilang dalawa pero inaayos niya na magkabalikan o manatiling friends sila.

Pero sa event ng Flawless kamakailan lang na kung saan sila ang kinuhang endorser, naikuwento naman ni Bea na nagkakausap na sila ngayon ni Sid at inaayos nila ang pagbabalikan. Malaki ang posibilidad na magkabalikan sila at okay naman sila.

Hindi siya apektado sa pagkaka-link ni Sid kay Heart Evangelista dahil naintindihan naman niya na bahagi lang ’yun ng trabaho ng aktor kaya hindi siya naniniwala na may namamagitan kina Sid at Heart.

BEA LAO

BIANCA KING

BOY PICK-UP

DENNIS TRILLO

GENERAL LUNA

HEART EVANGELISTA

MY SWEET

NIYA

ROCCO

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with