Eugene gustong magpadirek kay Dingdong
Masayang-masaya si Eugene Domingo sa kinalabasan ng pelikula niyang Kimmy Dora & the Temple of Kiyeme na malapit na ring mapanood sa mga sinehan. Nagpunta pa sa Seoul, South Korea ang kanilang grupo para kunan ang maraming eksena roon.
“Si Kimmy tumindi ’yung pagkasungit, pa-menopause na ’yung pagkasungit niya ngayon. Si Dora, ganun pa rin siya. So ’yung banter nilang magkapatid bumalik because of an incident na mae-establish sa umpisa. Comedy-horror siya, it’s comedy na may layer ng horror and then lalagyan natin ng historical na totoo sa roots nila sa Korea which will give more excitement to the sequel,” nakangiting pahayag ni Eugene.
Napahanga rin ang aktres sa angking galing ng dalawa niyang leading men na sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. “Magkaiba ’yung beauty nila, may isang moreno at isang mestiso, pero ang pareho sa kanila is wow! They’re both hungry for roles na talagang lalabas ’yung kanilang galing sa pag-arte, ’yun ang nakikita ko sa kanila.
“In fact, si Dingdong nakikita ko puwede siyang mag-direct. I know he directs na pero hindi tuluy-tuloy. So sabi ko, ‘Dingdong sa susunod i-direct mo naman ako.’ Sabi niya, ‘Sige, basta may material.
“Ang suwerte-suwerte ko talaga kasi si Zanjoe bigay na bigay. Gusto ko siyang i-produce ng pelikula na parang mala-Bembol Roco, ’yung ganun. Kampanteng-kampante ako kay Z eh kasi ka-birthday ko siya, kaya wala talaga kaming malisya. Kahit siguro may mangyari sa amin, wala talagang malisya,” natatawang salaysay ng aktres.
Charee magpapaka-mature na
Muling magbabalik sa Kapamilya Gold ang teleseryeng pinagbibidahan nina JM de Guzman, Kaye Abad, at Charee Pineda, ang Angelito: Bagong Yugto. Ngayon pa lamang ay napi-pressure na si Charee para sa bago niyang proyekto.
“Masaya ako, at the same time sobrang pressured ako kasi mas mataas nga ’yung expectations sa amin. Lalo na at maganda ’yung feedback doon sa nauna kaya siyempre mas mag-e-expect ng mas maganda pa ngayon. Kailangang mas madoble ’yung effort namin ngayon na makapag-deliver kami,” pagtatapat ni Charee.
Natsa-challenge ng husto ang dalaga sa pag-portray niya ng mature na role.
“Mas natsa-challenge ako kasi sa totoong buhay naman puro pa-sweet pa lang naman ako, ganun,” giit ng dalaga.
Dapat abangan ng lahat ng mga tagahanga ng tambalan nila ni JM ang kanilang pagbabalik sa ere.
“Hindi kami mas magiging daring pero mas malalaki na ’yung roles na ipo-portray namin kasi ’yung mangyayari sa istorya. Hindi na siya tipikal na pambata eh. Kami, young family na kung paano magsu-survive kaya mas acting piece na side siya,” paliwanag pa ni Charee.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest