^

PSN Showbiz

Hair and make up trend 2012 mapapanood sa Life and Style

-

MANILA, Philippines - Ang makulay, masaya, at matagumpay na Hair and Makeup Trends 2012 tampok sa Life and Style with Ricky Reyes. Sa ngalan ng kagandahan at pagpapaganda’y muling nagtipun-tipon ang mga parloristang Pinoy sa taunang Hair and Makeup Trends ng Filipino Hairdressers Cooperative (Filhair) na ginanap sa Elements ng Centris Mall sa EDSA Corner Quezon Avenue, Kyusi nung Miyerkules, May 23.

Dinaluhan ni TESDA director general Joel Villanueva, mga opisyal ng Filhair at mga opisyal ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologistss Association (APHCA) ang ribbon-cutting.

Humanga ang mga huradong galing pa sa Japan, China, Taiwan, Hong Kong, Malaysia, Indonesia, at Singapore sa talento at kahenyohan ng ating mga parloristang lumahok sa mga kategoryang (1) Mens Hair Cut and Color (2) Bridal Makeup (3) Evening Make Up at (4) Fantasy Makeup. Ang tinanghal na kampeon ay ipadadala bilang lahok sa APHCA competition sa Nobyembre na gaganapin sa Dajarta, Indonesia.

‘Di lang naaliw sa kumpetisyon ang mga naroon sa Centris Mall. Naibigan na nila ang mga demo ng mga modernong produkto at equipment na pang-sa­lon. May musical number pa ang mga taga-Party Pilipinas na sina Lovely Enboscado, Lira Bermudez, Denise, Homer at Down to Mars. Itinampok ang mga casual at chic line ng Natasha na ang nag­modelo’y mga finalist sa katatapos na Miss Tiaong Pageant.

Ang blow by blow account ng masayang kaga­napa’y mapapanood ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa GMA News TV program na Life and Style with Ricky Reyes.

ASIA PACIFIC HAIRDRESSERS AND COSMETOLOGISTSS ASSOCIATION

BRIDAL MAKEUP

CENTRIS MALL

CORNER QUEZON AVENUE

EVENING MAKE UP

FANTASY MAKEUP

HAIR AND MAKEUP TRENDS

LIFE AND STYLE

RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with