Init ng isyu kay Jessica, nabawasan na
Salamat naman at nag-subside rin ang Jessica Sanchez/American Idol fever. Akala ko hindi na makaka-move on ang marami sa pagkatalo ng isa nating kababayan.
Let us just hope na magkaroon ng magandang resulta ang pag-join ni Jessica sa AI. Sana tuparin ng mga nagpakita ng interes sa kanya ang pagbibigay sa kanya ng tsansa sa recording.
Samantala, let’s move on, too. Marami pa rin tayong kababayan na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sa kanila naman natin ibaling ang ating pansin. Sa kanila naman tayo kumuha ng inspirasyon.
Pero bago sa mga kababayan natin na hinahanap ang kanilang kapalaran sa ibang lugar, marami tayong talent dito na nangangailangan ng ating suporta. Tulungan din natin sila.
Luis gustong tularan ng dalawang kapatid
Tama lang ang pasya ni Edu Manzano na huwag papag-artistahin ang kanyang ibang anak hangga’t hindi sila nakakatapos ng kanilang pag-aaral. Isang magandang ehemplo kasi si Luis na nakapagtapos muna bago nag-join ng showbiz. Bukod sa napakaganda ng timing niya, sapat na ang pag-iisip niya para matiyak ang lahat ng moves na kanyang gagawin.
Look at him now, hindi lamang successful ang career niya, pati buhay niya ay napapaghandaan na niya. Kung nag-artista siya ng bata pa, baka hindi siya naging ganito katagumpay.
‘Interesting’
Parang interesting ‘yung napanood kong trailer ng I Do Bidoo, Bidoo, Heto nAPO Sila, isang pelikulang musical na nagtatampok sa mga awitin ng APO. Mukhang makakadyakpat na naman si Chris Martinez dahil magaganda na at siguradong kaaliwan ng mga manonood ang kanyang pelikula pero, magagaling na artista pa rin ang gumaganap sa kanyang movie, tulad nina Gary V, ZsaZsa Padilla, Ogie Alcasid, at Eugene Domingo.
Naalala ko tuloy ‘yung Mama Mia na ginawa ni Meryll Streep at nagtampok sa musika ng grupong ABBA. Naging matagumpay na pelikula ito at naging isang musical play din. Sana ganito rin maging katagumpay ang I Do Bidoo.
- Latest