^

PSN Showbiz

Martin, magpapaka-daring na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida na sa isang teleserye si Martin Del Rosario. Ang binata ang leading man para sa Precious Hearts Romances Presents Pintada. “Thankful ako dahil nabigyan ako ng break na ito. Ang sarap magtrabaho kapag leading man na. Very interesting ‘yung role at first time ko rin na magkaroon ng ka-love team sa drama,” nakangiting pahayag ni Martin.

Magpapaka-daring din daw ang binata para sa kanyang role sa serye. “First time ko makikipag-kissing scene. Si Denise (Laurel) naman nakailang PHR na siya, so tutulungan din niya ako. Saka siyempre ako din naman, ilalagay ko ‘yung sarili ko sa character. Okay sa akin kahit anong sabihin ni direk. Kasi TV naman ito so may limitation pa rin,” paliwanag ng aktor.

Kris, lumipat sa mas maaga

Simula sa Lunes (June 4) ay mas maaga nang mapapanood ang Kris TV dahil malilipat na ito sa 8:00 a.m. timeslot mula sa dati nitong oras na 9:00 a.m. Magiging mas maaga na ang kuwentuhan kasama ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Tuluy-tuloy pa rin ang palitan ng karanasan at kaalaman sa Kris TV, pagkatapos ng Umagang Kay Ganda.

Kaye at Chito, close na close pa rin kahit may kanya-kanyang dyowa na

Kamakailan ay umamin si Chito Miranda na si Neri Naig na ang kanyang bagong kasintahan. Nabanggit din ni Chito noon na magkaibigan pa rin naman sila ng dating kasintahan niyang si Kaye Abad hanggang ngayon.

Ilang taon din kasi ang inabot ng relasyon nina Kaye at Chito kaya naging malalim ang samahan ng dalawa. “Okay naman kasi at least masaya na siya ulit so masaya rin ako. Basta masaya siya, masaya ako,” bungad ni Kaye. “Nagkaka-text-an, nagkakamustahan. Minsan may mga nire-retweet siya na tweets ko, sobrang good friends,” dagdag pa ni Kaye. Hindi rin daw totoong hindi naging maganda ang hiwalayan nina Chito at Kaye katulad ng mga napabalita noon. “Kahit sa family niya sobrang okay kami, nagkakamustahan. Noong Mother’s day kumbaga binati ko lahat ng kapatid niya, ‘yung mommy niya so sobrang okay,” kuwento ng aktres.

Naipakilala na rin daw ni Chito kay Kaye si Neri. “Once! Nagkakilala kami, hindi kami close eh kumbaga ano lang, ‘Hi! Hello!’ Never kaming nagkaroon ng time magkausap so nakilala ko lang siya from before sa Star Circle Quest,” sagot ni Kaye.

Hindi naman daw napag-uusapan nina Chito at Kaye ang kanya-kanya nilang buhay pag-ibig kahit magkaibigan pa rin sila. “Actually, hindi masyado kasi kumbaga kanya na ‘yun. Bibigay ko na sa kanya ‘yun, kung ayaw niya ikuwento hindi ko na ipipilit. Ngayon kung ano ‘yung mga sini-share niya sa akin, ‘yun na lang ang makukuha ko,” paliwanag pa ni Kaye.

Ngayon ay abala na ang aktres para sa pagbabalik ng teleseryeng Angelito: Bagong Yugto. -Reports from JAMES C. CANTOS

BAGONG YUGTO

CHITO

CHITO MIRANDA

KAYE

KAYE ABAD

KRIS AQUINO

LSQUO

MARTIN DEL ROSARIO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with