Lito umaasa lang sa utak ng iba
Cute at walang halong pagkukunwari ang ginawang pagboto ni Sen. Lito Lapid sa impeachment trial ni CJ Corona. Sa halip na matahin siya ng masa, pinapurihan ang ginawa niyang paggamit ng konsensiya sa kanyang pagboto.
Si Sen. Lito Lapid ang isa sa mga pruweba na hindi kailangan ang mataas na pinag-aralan para maging matagumpay na senador. Kailangan lamang is a sincere desire to serve.
‘Yung utak ay maibibigay na ng mga learned people na gagawin mong think tank. Right, Leon Guerrero?
Sam taob ang mga kalaban sa paseksihan
Poor Sam Pinto! Habang inilalaban siya ng paseksihan kina Marian Rivera at Angel Locsin talagang hindi siya patatahimikin ng mga fans ng mga kalaban niya na ayaw ipatalo ang mga idolo nila sa kanya. Pero ano naman ang magagawa niya? Hindi naman siya ang bumuboto sa kanyang sarili. Marami ang gumagawa nito para sa kanya. Siguro dahil may nakikita silang hindi nila nakikita sa mga kalaban niya.
Siguro, it’s about time na tanggapin nating sexy si Sam. Ibang bagay ‘yung pag-arte niya. ‘Dun baka nangingibabaw ang mga kalaban niya, pero sa paseksihan taob sila!
Grace Lee nauna sa pAmbo-boykot
Nakapagtataka ba kung ma-ban si Grace Lee sa China eh sa kanya naman nanggaling ‘yung pagbo-boycott niya ng mga produktong Chinese dahil sa Scarborough Shoal conflict. Kumampi siya sa Pilipinas kaya kalaban naman niya ang China. Ganun lang yun.
- Latest