Born... naka-B sa CEB
MANILA, Philippines - Parang babagay kay Marian Rivera ang character ni Joey na ginampanan ni Angeline Quinto sa pinagbibidahan nilang pelikula ni Coco Martin na Born to Love You.
Para kasing hilaw pa si Angeline para sa pelikula at para ipareha kay Coco na de kalibre ang acting.
Tapos andun pa sina Eula Valdez at Albert Martinez na pawang magagaling. So talagang halata ang kaibahan ng level of acting nila sa singer-actress.
Pero ganun pa man, nagbunga naman ang ilang pag-e-effort ni Coco na turuan siyang umarte dahil nakaiyak naman siya sa ilang mga eksena nila kasi hindi naman pala talaga romantic-comedy ang movie, nagkaroon ng madadramang eksena.
Pero na-imagine ko si Marian sa movie. Swak na swak sana siya.
Naalala ko lang si Marian dahil may naka-schedule na pelikula sina Coco at Marian at sana ay ganitong material ang gawin nila, kailangan lang ng kaunting kinis.
Kung sabagay zero kasi ang experience ni Angeline sa aktingan kaya hindi masisisi.
Ang suwerte lang talaga niya dahil malaki ang sampalataya sa kanya ng Star Cinema at pinu-push ang career niya kahit pagkanta ang forte niya.
Pero nadala naman talaga siya si Coco sa aktingan.
Anyway, Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula na palabas na sa mga sinehan ngayong araw.
Mga Alahas ni Eugene bantay-sarado sa shooting
Miladay pala ang nagpahiram ng alahas na ginamit ni Eugene Domingo sa pelikulang Kimmy Dora & the Temple of Kyeme kaya ang gaganda.
Pawang mga mamahaling alahas ang mga ipinasuot sa kanya kaya nga sosyal na sosyal ang dating ng komedyana sa character niyang si Dora.
At dahil pawang mga mamahalin ang alahas, parati raw may mga nakabantay para makagisuro na hindi sila masasalisihan.
Oo nga naman. Alam mo naman ang panahon ngayon.
- Latest