^

PSN Showbiz

Eugene isinasabong pa rin kay AiAi

- Veronica R. Samio -

Walang kamalay-malay ang marami pero nakatapos na pala ang grupo nina Chris Martinez, Direk Joyce Bernal, at Eugene Domingo ng sequel ng Kimmy Dora at mapapanood na ito sa June 13.

Ang bagong pelikula na pinamagatang Kimmy Dora & the Temple of Kyeme ay co-production ng Star Cinema at ang Spring Films na alam ng lahat ay pinamumunuan ni Piolo Pascual kasama ang kanyang mga kaibigan. Pagpapatuloy pa rin ito ng kuwento ng magkapatid na Go Dong, sina Kimmy at Dora, na opposite ang personalidad at pag-uu­gali. Kung sa unang movie ay nakatagpo sila ng kanilang love life sa katauhan nina Dingdong Dan­tes at Zanjoe Marudo, ang romansa nila ay magpapatuloy sa sequel, ’yun nga lamang may kahalo ng horror at fantasy ito. Kinunan ang ilang bahagi ng pelikula nung kasagsagan ng winter sa South Korea. Sa sobrang lamig pati tubig na iniinom nila ay nagyeyelo. Pati ang kamera na ginamit nila ay hindi umandar.

Kung may isa man sa kanila ang nagreklamo ng lamig, agad ipinapa-pack up ni Bb. Joyce ang shooting at uuwi na sila ng Maynila. Pero dahil walang narinig na reklamo sa sinuman, itinuloy ang shooting na sa sobrang lamig ay hinihintay na lamang nilang matanggal ang kanilang mga tenga at mawalan ng pakiramdam ang kanilang mga katawan. Pero walang ganitong pangyayari.

Natulungan sila ng mga ginamit nilang portable heater.

Sa kabila ng tagumpay ni Uge bilang artista, nagtataka pa rin ang komed­yante na isinasabong pa rin siya kay AiAi delas Alas. Either naiinggit ito sa kanya o siya rito.

 “Wala naman akong dapat ikainggit sa kanya. O siya sa akin. Maganda ang aming samahan. Palagi ko siyang tinatawagan kapag nakakatapos ako ng trabaho at pagod ako. Sa kanya ako nakakarinig ng mga words of encou­ragement,” pagtatanggol niya sa kaibigan.

Grace Lee pinangangatawanan ang pag-boycott sa mga gawang China

Nag-apply na pala si Grace Lee para maging Pilipino. Matatandaan na nagpakita ng kanyang stand ang magandang Koreana sa kasagsagan ng conflict natin sa China tungkol sa Scarborough Shoal sa pamamagitan ng pag-boycott sa mga produktong Chinese. Ito ay sa kabila ng kawalan niya ng personal na away sa mga Tsino at pagkakaroon niya ng maraming Chinese friends.

Kung hanggang kailan niya mapapangatawanan ang  kanyang ginawa ang siyang inaabangan ng mga Pinoy. Hanggang ngayon patuloy ang kanyang pag-boycott sa mga Chinese products. Paano kung sa kanyang cooking show ay mangailangan ng mga Chinese ingredients, hindi rin ba siya gagamit?

CHRIS MARTINEZ

DINGDONG DAN

DIREK JOYCE BERNAL

EUGENE DOMINGO

GO DONG

GRACE LEE

KIMMY DORA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with