Eugene tinablan kay Zanjoe
Exhausting. Ito ang pakiramdam ni Eugene Domingo pagkatapos nilang gawin ang sequel ng Kimmy Dora na ang title na ay Kimmy Dora & the Temple of Kiyeme na bida pa rin si Eugene.
Kinunan kasi ang maraming eksena sa temple sa Korea kaya may dagdag na sa title nila. At maraming hirap ang dinanas nila bago natapos.
Kasama pa rin ang mga nasa original na pelikula tulad nina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes at kambal pa rin ang character ni Eugene na parang mas naging sosyal na ngayon.
Matagal-tagal din bago natapos ang part two ng Kimmy Dora – 2009 nang sorpresang humataw sa takilya ang unang Kimmy Dora.
Aminado sila nang una nilang gawin ang pelikula, hindi nila ini-expect na kikita ito.
Kaya naman ngayon, mas nag-effort silang palakihin ito na ang Spring Films na pag-aari ng grupo ni Piolo Pascual ang producer. And this time, co-producer na nila ang Star Cinema. Si Joyce Bernal pa rin ang director at mas pinag-isipan daw ng writer na si Christ Martinez ang script ngayon.
Aminado ang dalawang bida (Eugene at Zanjoe, wala si Dingdong sa presscon kahapon) na meron silang intimate scenes at nagpaubaya si Zanjoe na ‘pagsamantalahan’ siya ni Uge.
Tinalaban ba sila?
Walang makasagot ng diretso sa kanila, nagtuturuan pero totoong naging napakabait daw ng aktor sa komedyana.
So may dapat bang ika-worry si Bea Alonzo?
Parang wala dahil ibang-iba na ang tono ng aktor tungkol sa relasyon nila ni Bea. Seryoso na siya at ipinagdarasal niyang ito na ang makakasama niya habang-buhay.
“Masayang-masaya ako sa personal na buhay ko ngayon. Lalo na sa pangarap kong tao na masasabi kong perfect ’yung ano namin - ugali at ’yung pagsasama namin.
“Parang nahanap ko ’yung tao na masasabi kong puwede kong makasama na pang-matagalan, pang-habang-buhay.
“Eh ’yun ang ipinagdadasal ko. Sana, kami na talaga ang magkasama,” sabi niya kahapon sa mga nakatsikang reporter.
Pero hindi pa raw sila dumarating sa puntong pinag-uusapan nila ang kasal bilang pareho pa silang may mga kanya-kanyang priorities lalo na siya na may pamilyang kailangang tulungan eh si Bea naman ay maganda ang takbo ng career.
At any rate, showing na sa June 13 ang Kimmy Dora & the Temple of Kiyeme.
Sarah hindi nagpahuli sa super model, may landi na ring rumampa
Maraming nagulat nang rumampa si Sarah Geronimo sa ginanap na Philippine Fashion Week kung saan suot niya ang mga gawa ng ini-endorso niyang local RTW brand na Unica Hija. May kakaibang ‘landi’ na raw kasi ang singer-actress at parang professional model nang lumabas sa stage. Kaya naman talagang kagulo raw ang mga tao.
Kasamang rumampa ni Sarah ang supermodel na si Danica Magpantay at Charo Ronquillo pero hindi ito nagpatalo kung rampahan ang pag-uusapan.
Si Sarah ang nag-open ng show kung saan nga na-welcome niya na rin si Charo bilang bagong endorser na kabilang sa Ford Models Association at much-sought after international model na nakabase sa New York.
Back to School and Holiday Collection 2012 ang isinuot ng dalawa. Ang mga designs ay inspired by the Mod era with modern silhouettes and geometric patterns.
More than 100 outfits ang isinuot nila na in fairness ay puwedeng makipagsabayan sa mga imported na damit dahil sa mga kulay at hitsura.
Ayon sa mga taga-Unica Hija, swak sa mga sukat ng Pinay ang mga ginagawa nilang damit.
Kaya nga si Sarah, Unica Hija pala ang suot sa kanyang Sige Go segment sa Sarah G. Live on ABS-CBN. “I love Unica Hija’s dress collection, stylish and yet very comfortable,” say ng singer-actress.
Ogie 25 years ang hinintay bago nagkaroon ng sariling movie
Grabe 25 years din pala ang hinintay ni Ogie Alcasid bago siya nagkaroon ng launching movie. Ito nga ang Boy Pick Up the Movie na palabas na sa June 6 sa mga sinehan sa Metro Manila na produced ng GMA Films and Regal Entertainment, Inc.
Ibig sabihin nito kung hindi pa nagkaroon ng portion sa Bubble Gang na Boy Pick Up, hindi siya magkakaroon ng solo movie.
Sa galing ni Ogie, ‘di agad siya naisipang gawan ng launching movie.
Kakaibang level ng comedy ang mapapanood sa movie ayon kay Ogie. Si Dennis Trillo naman ang magsisilbing kontrabida niya sa pelikula na first time na gumanap na antagonist.
Kabado at the same time, excited ang asawa ni Regine Velasquez bilang first solo movie niya nga ito. Though confident siya dahil ramdam niya na maraming followers ang Boy Pick Up sa Bubble Gang.
Fiesta sa Sta. Elena
Isang mainit na pagbati sa kapiyestahan sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte ngayong araw.
Kumpleto ang kasiyahan sa pamamagitan ng Santacruzan at iba’t ibang activities na pinangungunahan ni Mayor Dominador Mendoza.
Galing ang pagbati kay Mr. Ronnie Asis.
- Latest