^

PSN Showbiz

MYX nakapili na ng 12 FINALISTS na magbi-VJ

-

MANILA, Philippines - Inihahanda na ng

MYX

ang entablado para sa susunod na video jockey o VJ, resulta ng

MYX VJ Search 2012

ng numero unong music channel sa Pilipinas. Nasa ika-anim na taon na ng kumpetisyon na ito at ilan sa mga nanalo noong mga nakaraang taon ay sina

Chino Lui-Pio

(2008),

Bianca Roque

(2008),

Mike Advincula

(2011), at

Joyce Pring (2011).

Daan-daan ang dumagsa sa mga audition venues upang ipakita sa screening committee ng MYX ang kanilang galing sa pagho-host. Taglay ang talento at determinasyon, pinangarap nilang makuha ang titulo bilang pinakabagong VJ ng MYX. Hindi inalintana ang kumpetensiya, sumugod sila sa mga audition dates noong April 21, 28, May 5 at 12 (1–6 p.m.), sa ABS-CBN Studio 12.

Marami mang sumubok para maging MYX VJ, labindalawa lamang ang pinalad na maging finalist ng MYX VJ Search 2012. Kasama sa mga magagandang contenders ay si VJ K.A. na isang teacher/host/makeup artist/vocalist, ang makulit at matalinong si VJ Karen, ang Singaporean ngunit pusong Pinoy na si VJ Michelle, ang palabirong miyembro ng Sotto clan na si VJ Paulina, ang band manager/Yuzon-sister na si VJ Ysab, at ang isa sa mga boses ng kantang 12:51 na si VJ Ericka.

Sa kabilang dako naman, hindi magpapahuli ang mga boys ng kumpetisyon. Narito ang natatanging sassy boy na si VJ Kevii, ang sports commentator-wannabe na si VJ Mike, ang music producer/UP student na si VJ Mica, ang charming Cebuano na si VJ Marcky, ang masuwerteng third-time auditionee na si VJ Hadi, at ang singing cutie na si VJ Anjo.

Noong mga nakaraang MYX VJ Searches, basehan upang manalo ang mga text votes na mula sa mga fans, ngunit sa MYX VJ Search 2012, ang mga mananalo ay pipiliin lamang ng MYX. Pero ’wag mawalan ng pag-asa ang mga fans, isa sa isasaalang-alang ng MYX sa pagpili ng mananalo ay kung paano makisalamuha sa publiko ang fans at mga finalists.

Ang mga finalists ay sasailalim sa isang training experience process at iba’t ibang mga masasayang tasks at challenges na ibibigay ng ating mga main MYX VJs (Nikki Gil, Luis Manzano, Iya Villania, Chino, Bianca, Mike, at Joyce) na tatagal ng dalawang buwan. Abangan sila sa Mellow MYX (June 4-9), Pop MYX (June 11-16), My MYX (June 18-23), at Pinoy MYX (June 25-30).

Ang mga itatampok na challenges ay ipo-post sa www.myxph.com/vjsearch. Para sa kumpletong profile ng 12 finalists, bumisita lamang sa www.myxph.com/vjsearch/finalists. Bawat finalist ay magkakaroon din ng kanilang sari-sariling Facebook fan pages na kung saan ay kanilang ia-update araw-araw. Para sa iba pang detalye, bumisita lamang sa www.myxph.com. I-like rin ang Facebook fan page na www.facebook.com/myx.philippines at i-follow lang ang @MYXphilippines at @MYXphdotcom.

vuukle comment

BIANCA ROQUE

CHINO LUI-PIO

COM

FACEBOOK

IYA VILLANIA

JOYCE PRING

MYX

WWW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with