Coco magpapaulan ng kilig
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpasok ng tag-ulan, bubuhos ng kilig at saya sa ASAP 2012 ngayong Linggo (Mayo 27) sa pagbisita ng mga bida ng Star Cinema upcoming movie na Born to Love You na sina Coco Martin at Angeline Quinto; na susundan ng cast ng pinakabagong teleseryeng Hiyas sa pangunguna nina Zanjoe Marudo at Megan Young.
May engrandeng back-to-back birthday celebration para kina ZsaZsa Padilla at Sam Milby; espesyal na production number ng teleserye princesses na sina Nikki Gil, Jessy Mendiola, at Julia Montes; at ang bigating face-off ng Kapamilya leading ladies na sina Iza Calzado at Cristine Reyes.
Show-stopping performances pa din ang ipamamalas ng ASAP mainstays na pangungunahan ng never-before-seen moves ni Gary Valenciano kasama sina John Prats, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, at Iya Villania sa isang espesyal na Supahdance segment.
Tiyak naman na mapapabilib ang lahat sa world-class theatrical number na handog nina Vina Morales, Sam Concepcion, Nyoy Volante, Markki Stroem, Tippy Dos Santos, Tom Rodriguez, K-La Rivera, at Guji Lorenzana; sa makatinding-balahibong vocal act nina Juris, Jed Madela, Anja Aguilar, at ASAP Pinoy Champs; at sa ‘boy band’ tribute ng crooners na sina Christian Bautista, Richard Poon, Jericho Rosales, Paolo Valenciano, at ASAP Boys R Boys.
- Latest