^

PSN Showbiz

Danita Paner tatanggalan na ng apelyido

- Veronica R. Samio -

Kung una ay pinatatawad pa ni Daisy Romualdez ang inaakala niyang pambabastos sa kanya ng anak na si Danita Paner, lalo’t nag-sorry na ito at binigyan pa siya ng bulaklak, this time hinding-hindi na niya mapapatawad ang ginawa nitong paglilihim sa kanya sa pagpirma nito sa Regal Entertainment, Inc. nang hindi man lamang nito ipinaaalam sa kanya. Kasama nito ang kanyang manager nang gawin niya ang pagpirma.

Ayon sa ina ay hindi naman niya pagbabawalan ang anak sa ginawa nito pero sana man lang ay nagsabi ito sa kanya. Sa halip na nalaman pa niya sa iba. Hindi na rin niya ipinaalam sa asawang si Manny Paner ang ginawa ni Danita para hindi na madagdagan pa ang tampo nito sa anak nang hindi siya pinagbigyan sa hiling ni­yang isang kanta nung birthday dinner niya na ginawa sa isang res­toran.

Kaya ang sabi baka tanggalan na lang ng a­pel­yido na Paner si Danita bilang parusa sa kanya.

Paul Salas naiitsapwera na dahil kay Dom Roque?

May bagong love triangle na binubuo ang ABS-CBN kina Ella Cruz, Paul Salas, at ang baguhang si Dom Roque.

Sa pagpasok ng character ni Dom sa buhay ni Aryana (Ella), may mabago kaya sa buhay nito? Maging hadlang kaya si Hubert (Dom) sa ispesyal na pagtitinginan na magkababatang Aryana at Marlon (Paul Salas)?

Hindi alam ng pinaka-bagong Kapamilya sirena kung bakit tinatangkilik ang teleserye nila pero malabis ang kanyang pasasalamat na hindi niya binigo ang pagtitiwala ng ABS-CBN.

Hindi naman nag-aalala si Paul na baka masapawan siya at tuluyan nang maagaw sa kanya ni Dom si Aryana. Nang tanungin siya kung ano ang sagot niya, “Wala akong muscle ng tulad ng sa kanya pero mas matagal ko namang nakasama si Aryana kesa sa kanya.”

ARYANA

DAISY ROMUALDEZ

DANITA

DANITA PANER

DOM ROQUE

ELLA

KANYA

NIYA

PAUL SALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with