Jessica Sanchez tinantanan na
Mabuti naman at humuhupa na ang American Idol-Jessica Sanchez fever.
For a while akala ko hindi na natin tatantanan ang pag-asam na mananalo ang isang half-American, half-Pinay bilang American Idol. Mabuti pa ang isa kong kaibigan at matagal nang tinanggap na hindi pagalingan sa pagkanta ang popular na pakontes kundi paramihan ng text votes. Nevertheless, boycott uli siya ng AI at babalikan lamang ito kung kailan niya feel. Nung matalo ni Chris Allen si Adam Lambert, dalawang taon siyang ’di nanood ng show. Ngayon, ewan ko lang kung hanggang kailan niya ’di panonoorin ang show.
Excited ang Pinoy sa pagpunta rito ni Jessica sa last quarter ng 2012. Magiging front act siya ni Jennifer Lopez.
Gerald hindi pa nakaalis sa character ni Budoy
In fairness to Gerald Anderson, he deserves an award for playing Budoy.
Minsan nga kapag nakikita ko siya, may trace pa rin siya nito. Ganun siya ka-immersed sa role kung kaya kahit wala na ang series, he still reminds people of his superb performance as Budoy, the special child. I just hope na ’yung susunod niyang series will be as effective and as challenging.
- Latest