^

PSN Showbiz

Pangulo mahilig din pala sa Korean food, Grace, cheese fondue ang tingin kay P-Noy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang San Miguel Pure Foods Company ang sponsor ng newest cooking show ng GMA 7 na Cooking with the Stars na si Grace Lee ang host. May mga nag-isip tuloy na baka may katotohanan ang nabanggit ni Mr. Ramon Ang ng San Miguel Corporation na interesado silang bumili ng shares ng network.

Kumuha ng one year diploma course sa culinary sa Global Culinary Center under Chef Rob Pengson si Grace at hilig din n’yang magluto, kaya bagay sa kanya ang show, pero rito ay assistant lang siya ng resident chefs ng show.

Bawal ang P-Noy questions sa presscon pero may nakalusot din gaya ng ano ang iluluto niya rito? Isa pang tanong, kung food si P-Noy, ano ito?

 “Mahilig siya sa Korean food, mahilig siya sa beef, kaya bulgogi ang isa sa iluluto ko sa kanya. Kung food siya, cheese fondue siya, very simple but very deep and very interesting,” sagot ni Grace na ’di natanong kung totoong break na sila.

Mapapanood ang Cooking with the Stars simula May 28, 9:55 a.m.-10:05 a.m., every Monday, Wednesday and Friday with replays on GMA News TV every Tuesday and Thursday (7-7:10 p.m.) and Saturday (6:45-6:55 p.m.). Kinukunan ang show sa San Miguel Purefoods Culinary Center.

Tween stars tuloy na sa paghihiwalay

Last three days na ang taping ng Tween Hearts at nagpahayag ng lungkot ang buong cast da­hil hindi na sila madalas magkikita-kita. Ang daming naganap sa buhay ng tween stars ng GMA 7 sa one year and nine months na tumakbo ang Sunday series na malapit nang magtapos.

May nagka-debelopan, sina Kristoffer Martin at Joyce Ching na tsinika ng mga kasama na monthsary noong May 24; tiila tinototoo na ni Jake Vargas ang panliligaw kay Bea Binene; at marami pang nangyari sa mga bagets.

Open ang grupo nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio kung may part two ang Tween Hearts at wish nilang sila pa rin ang cast. Ang ikinatutuwa ng cast, na-maintain ng show nila ang mataas na rating hanggang ngayon.

Zoren at BB magkikita na!

Mukhang hindi na maiiwasan ang pagkikita nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari at kundi mu­ling aatras si Zoren, ngayong Sabado sa Paparazzi ng TV5 sila magkikita. Darating si BB sa show at dahil wala sina Mariel Rodriguez at Ruffa Gutierrez dahil kasama sa grupo ng Wiltime Big Time sa States, magho-host din yata ito, host din si Zoren, kaya magkikita sila.

Hindi lang matutuloy ang face to face ng dalawa ’pag ni-request nina BB at Zoren na wala sa frame ang isa ’pag isasalang na ang isa.

Pilot week ng Luna Blanca umpisa na

Mapapanood this Saturday, bago ang Eat Bulaga ang replay ng pilot week ng Luna Blanca, kaya para sa mga hindi nakapanood kung paano nagsimula ang multigenerational family drama, ito na ang chance ninyong mapanood.

Sa pilot week malalaman kung bakit nanganak si Camille Prats ng maputi at maitim na bata na gina­gampanan nina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

ANG SAN MIGUEL PURE FOODS COMPANY

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

CAMILLE PRATS

EAT BULAGA

GLOBAL CULINARY CENTER

GRACE LEE

LUNA BLANCA

TWEEN HEARTS

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with