^

PSN Showbiz

Wanted: Semi-retired actress hindi na binalikan ang utang sa isang salon

RATED A - Aster Amoyo -

Wanted ang semi-retired actress na ito ng isang kilalang salon owner dahil sa matagal na nitong utang.

Dati-rati ay regular na nagpapaayos ang actress (semi-retired dahil matagal na itong walang project) sa kanyang suking parlor sa Quezon City ganun din ang pamilya nito. Dahil kaibigan at suki, madalas itong hindi nagbabayad at saka na lamang niya babayaran pero sa pinakahuli nitong pagpapaayos na umabot ng halos sampung libong piso ay hindi na ito nagbayad. 

Magmula noon ay hindi na ito bumalik sa kanyang suking parlor.

Sa sobrang tagal na, hindi na umaasa ang parlor owner na magbabayad pa ng kanyang utang ang ak­tres dahil wala itong regular job ngayon. Pero uma­asa pa rin ang may-ari ng salon na babayaran sila.

Heart magre-relax sa Europe

Gaano kaya katotoo ang balita na kaya lumipat ng TV5 ang ex-boyfriend ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga ay gusto niyang iwasan at tu­luyang malimutan ang dating girlfriend? Mahirap nga naman sa parte ni Daniel na nasa iisa silang bu­bong at hindi maiiwasan na magkita sila kahit pa­minsan-minsan lang.

Totoong dinamdam ng husto ni Daniel ang break-up nila ni Heart kaya nagdesis­yon itong lumipat ng istasyon.

Samantala, balak ni Heart na magbakasyon muna ng isang buwan sa Europe kasama ang kanyang kapatid para makapag-relax bago nito simulan ang bago niyang teleserye sa Kapuso Network.

Binatang ama marami na

Hanggang ngayon ay nananatiling binatang ama si Dennis Trillo. May isa itong anak kay Carlene Aguilar na si Calix. Si Bianca King ang bagong dyowa ni Dennis after Jennylyn Mercado na masaya ngayon sa piling ni Luis Manzano. Tulad ng mga naunang karelasyon ni Dennis na si Cristine Reyes at Jennylyn Mercado, tanggap din ni Bianca na may anak sa pagkabinata si Dennis kaya hindi ito issue sa kanya. Katunayan, close si Bianca kay Calix bagay na ikinatutuwa ni Dennis at maging ng ina nitong si Carlene Aguilar

Bukod kay Dennis, ang mga binatang-ama ay sina Piolo Pascual, Coco Martin, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Keempee de Leon, Paolo Paraiso, Paulo Avelino, Paolo Ballesteros, at iba pa.

Fans ayaw mag-pulitika si Vic

Alam mo, Salve A., tiyak na maraming taga-showbiz ang as early as now ay naghahanda na sa kanilang pagsabak sa pulitika for the first time. Maugong ang balita na tatakbo ang TV host-comedian-producer na si Vic Sotto at ina-eye raw nito ang Quezon City. Meron ding nagsasabi na sa Pasig City ito tatakbo. Pero anumang pilit kay Vic ng mga taga-media ay ayaw nitong magsalita o mag-comment kung tatakbo siya o hindi.

 “Mas marami ang napapasaya at natutulungan ni Bossing kahit wala siya pulitika,” diin ng isang tindera sa palengke.

Robin Gibb nauna pang namaalam sa nanay na 91 years old na

Ninety one years old na ang ina ng mag­­kaka­patid na Gibb na si Barbara Gibb pero na-out live niya ang kanyang tat­long anak na sumakabilang-buhay na ahead of her. Una na si Andy Gibb na naging pop idol at sumakabilang-buhay at the age of 30 nung 1988; sumunod si Maurice Gibb (ng Bee Gees) nung 2003; and recently ang kakambal ni Maurice at founder-member ng Bee Gees na si Robin Gibb. Sa mga anak ni Barbara, tanging si Barry at isa pang anak na babae ang natitirang nabubuhay.

Si Andy ay namatay sa sakit sa puso, acute intestinal problem naman kay Maurice, at colon cancer kay Robin.

Ang magkakapatid na Gibb – Andy, Maurice, at Robin ay maituturing na music pop icons sa kanilang henerasyon.

 Personal…

Happy birthday sa aking namayapang amang si Bonifacio Amoyo ngayong May 26, sa aking kapatid na si Mely Amoyo sa May 30, at sa aking inang si Ma. Salome Amosco-Amoyo sa May 31.

Maraming salamat sa mga doctors and nurses ng Rizal Medical Center na nag-alaga at nag-asikaso sa aking namayapang pamangkin na si Rolando Gonzales Gayo, ganundin kina Rizal Gov. JunJun at Andeng Ynares.

ANDENG YNARES

BEE GEES

CARLENE AGUILAR

JENNYLYN MERCADO

MAURICE

QUEZON CITY

ROBIN GIBB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with