Edu may punto sa pagtutol sa gusto ni Luis
Tama lang na tutulan ni Edu Manzano ang pagpasok ni Luis sa pulitika. Naranasan na niya ito at hindi sapat ang kagustuhan niyang makapaglingkod para ibigay nila sa kanya kanilang boto.
Korek ka, Doods. Hayaan nating ma-enjoy ni Luis ang kanyang kabataan. Baka kapag nagsawa na siya ay payagan nating siyang magpulitiko. Pero huwag muna ngayon.
Annabelle mas gugulo ang buhay pag pumasok sa pulitika
Ayaw payagaan si Annabelle Rama ng kanyang mga anak na pumasok ng pulitika. Alam n’yo, tama lang sila. Magulo na at maintriga ang buhay ni Mama Annabelle sa kasalukuyan, baka nga naman mas lalo pa itong gumulo kapag sumabak siya sa pulitika.
Sana nga mapangatawanan ng mga anak niya ang ginagawa nilang pagtutol sa pangungumbinsi ng mga kamag-anak nila sa kanilang ina. After all, sila ang magdurusa kapag nabigo ito sa kanyang pagpasok sa politics. At kapag manalo ito, tiyak mapapabayaan na nito ang kanyang mga talents dahil hindi biro ang gumawa ng batas na siyang pangunahing trabaho ng isang kongresista. At hindi niya puwedeng asahan ang magiging suweldo niya sa gobyerno dahil maliit lamang ito kumpara sa kinikita niya bilang talent manager ng mga artista, kasama na ang kanyang mga anak.
Jake nagpatagal-tagal pa
Liligawan din pala ni Jake Cuenca si Lovi Poe, bakit hindi pa nung nagkatambal sila sa isang pelilkula? Bakit pinalampas pa niya ang panahon na kung saan ay baka lumamig na ang friendship nila? Maganda na sana ang simula nila nang ibandera niya ang Kapuso actress sa isang event na pang-Kapamilya lamang. It was a perfect venue para makita ng lahat ang courtship nila. Pero hinayaan pa niyang magkahiwalay sila at palipasin ang panahon.
- Latest