^

PSN Showbiz

Kahit maraming kontra, Alma tuloy sa pagse-senador

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Kabado ang baguhang aktor na si Benjamin Alves sa kanyang pagsisimula sa showbiz.

Kasali ito sa bagong pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na Guni-Guni na kung saan makakasama nito si Lovi Poe.

Nag-workshop muna siya at pagkatapos nito ay dumalo na siya sa story conference nung nakaraang Martes, tingin niya ready na rin siya sa panibagong challenge sa kanyang career.

“At this point, I’m gonna find out. I think, the thing that I’m surrounded with these projects they will be able to guide me, especially with the actresses like Lovi Poe, this will be challenging for sure. I’ll prepare as much as I can,” pahayag ng guwapitong pamangkin ni Piolo Pascual.

Sa Linggo ay babalik si Benjamin sa Guam para dumalo sa kanyang graduation na summa cum laude siya sa English literature sa University of Guam.

PAK: Nagmukhang kawawa ang isang young actress nang hindi siya isinalang sa taping ng regular show nito dahil sa madalas siyang nali-late.

Pansamantalang pinalitan ang seksing young actress dahil sa nairita ang direktor sa kanya gawa nang madalas itong huli ng dating sa set.

Hindi ito isinali sa susunod na taping pero dumating pa rin siya. Ayaw niyang maniwalang pinalitan muna siya, kaya nagpa-makeup pa rin ito.

Nairita lalo ang director kaya hindi pa rin siya isinalang. Nakiusap itong isali pa rin siya kahit maliit lang ang partisipasyon dahil sayang ang pagpapa-makeup niya. Pero dedma ang direktor, hindi pa rin siya isinali.

Magsisilbing leksiyon ito sa kanya para matuto siya at maging professional sa trabaho.

BOOM: Kinumpirma na ni Alma Moreno na itutuloy nito ang pagtakbo niya bilang senador sa 2013 elections.

Ito ang dineklara niya sa selebrasyon ng kanyang 53rd birthday na ginanap sa Boulvar ng Manila Pavilion kamakalawa ng gabi.

Pahayag ni Alma: “Actually, pinag-isipan kong mabuti talaga kahit marami ang nagsasabi sa akin na tumakbo ka kasi sa loob mo ’yan eh. Dinasal ko. Saka humingi talaga ako ng sign. After Holy Week lang ako talaga nagdesisyon.

“Ang sign, nawala ang kaba ko. Nararamdaman mo naman ’yun eh. ’Yung kutob na hindi pa ako handa. Nagdadalawang-isip pa ako na hindi pa ako handa, dito na lang ako. Paggising ko, eto na ’yan. Lahat ng mga tao na nakausap ko, lahat kasi sila naka-back-up sa akin.”

Kahit nabigla ang mga anak nito nang ipinaalam niya ito sa kanila, nagpahayag naman sila ng suporta dahil nakikita naman nilang pursigido ang kanilang mama na ituloy ang plano niya.

Sagot ni Alma sa mga kumokontra sa kanyang planong pagtakbo: “Sabi ko nga, bago n’yo naman ako husgahan, hayaan n’yo na muna ako. Pagbigyan n’yo naman muna ako.”

AFTER HOLY WEEK

AKO

ALMA MORENO

BENJAMIN ALVES

LOVI POE

MANILA PAVILION

PIOLO PASCUAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with