Aktres na nagbida na, tumangging mag-support sa kontrabida
Dapat pala kasama sa cast nang magpa-pilot na soap sa isang network ang isang magaling na aktres pero hindi tinanggap ng management nito ang role dahil nagbida na nga naman ang aktres, bakit magsu-support sa kontrabida ng soap?
Okay na sa aktres at sa management nito na balik-kontrabida siya sa nasabing soap pero parang off nga naman kung kontrabida na ay magsu-support pa sa kontrabida.
Maghihintay na lang ang aktres ng mas magandang project na for sure ay ibibigay sa kanya ng network.
LT nangungulit pag walang trabaho
Noong Wednesday lang pala nag-pictorial si Lorna Tolentino para sa labas niya sa Valiente at ang aktres mismo ang nagbalita through Twitter. Na-post pa nga ang dresses, shoes, accessories na ginamit niya sa pictorial at bagay na bagay sa karakter niyang si Mila Regalado-Arden.
Ipina-interview ng TV5 at Archangel Media si LT at ikinuwento na ang sampalan nila ni Jaclyn Jose ay mas matindi sa sampalan nila ni Alice Dixson sa Glamorosa dahil ayaw ni Direk Joel Lamangan ng daya. Big challenge rin kay LT ang marami niyang monologue.
Ibinalita na rin ni LT na ang next show niya sa TV5 ay ang reality show na Third Eye. Siya ang host, nito sa direksiyon ni Topel Lee, at weekly mapapanood.
“Contented ako sa TV5. In one year sa guaranteed contract ko, lamang ako dahil marami pa akong numbers of working days at kinukulit ko silang bigyan ako ng trabaho. Marami ring blessings ang dumating sa akin,” sabi ni LT.
Intriguing ang sagot ni LT kung magre-renew siya ng kontata sa TV5 ’pag nag-expire sa September ang kontrata niya.
“Hindi ko alam kay ‘Nay Lolit (Solis), mag-uusap kami kung magre-renew kami. Mas maganda kung magwo-work ako sa lahat,” sagot ng aktres.
Down to Mars boys sama-sama sa iisang condo
Isa sa pinaka-talented na member ng Down to Mars si Kenjie Chua. Ang co-members nito mismo ang nagsabing marami itong musical instruments na kayang tugtugin at siya pa ang nag-compose ng songs sa five-track self-titled album kabilang ang carrier single na My Everything.
Co-composers ni Kenjie sa mga kantang Fly at Fool’s Paradise si Jang Ampama at katulong nila si Jeongwon Song sa tracks na O, Oh Here We Are at Nandito Lang Ako. Sa Sunday, ilo-launch ang kanilang album at music video ng carrier single sa Party Pilipinas.
Other members of the boy band are Yheen, Kiro, Sky, at Daisuke at sa album launch lang nadiskubre na magaling mag-tap si Yheen.
Sa iisang bahay, sa condo nina Kenjie nakatira ang Down to Mars at dahil walang nagluluto sa kanila, madalas fast food ang kinakain ng members.
Xian maso-solo na naman si Kim sa US
Mag-aalburoto tiyak ang mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil sabay na aalis this Friday sina Kim at Xian Lim para sa benefit show ng ABS-CBN Foundation at ABS-CBN Balitang America na gaganapin sa Home Depot Carlson City, California. Kasama nila sina Bamboo, Charice, at Martin Nievera.
Sabagay, magtatrabaho ang dalawa at hindi magliliwaliw at magkasama naman sina Kim at Gerald sa Star Magic Films movie na What I Did For Love.
Jake nag-indie na, kontrabida pa
Madalas naming mabasang tinu-tweet ni Jake Cuenca na nagsu-shooting siya ng El Brujo, pero walang binibigay na details, kaya hindi alam ng followers nito kung anong movie ang laging binabanggit.
Nalaman namin sa Star Magic na ang El Brujo ay indie film sa direction ni Tikoy Aguiluz. Pumayag magkontrabida si Jake kay Gerald at si Bangs Garcia ang kanilang leading lady.
Kulang pa rin ang details na ibinigay ng Star Magic, hindi sinabi kung sino ang producer, ibang cast, anong klaseng pelikula, at kung kailan ang playdate.
- Latest