Iniintriga agad pagkatapos na pagkatapos ng American Idol, Jessica ampon lang daw
Ngayong tapos na ang American Idol na nabigong masungkit ni Jessica Sanchez ang titulo, siguradong maglalabasan na ang malisyosong kuwento tungkol sa Pinay-Mexican.
Matagal nang nagpipigil ang mga intrigero tungkol sa isyu na kesyo ampon lang daw si Jessica ng kanyang Mexican father kaya pure Pinoy daw siya as in walang dugong Kano na nanalaytay sa magaling na singer na kauna-unahang Pinoy na nakaabot sa finale ng nasabing sikat na singing contest sa Amerika.
Anyway, hindi man nanalo si Jessica waging-wagi naman ang galing niya. Grabe ang boses niya lalo na sa duet nila ni Jennifer Holliday, hindi siya nagpatalbog sa I Am Telling You.
Kung boses naman talaga ang basehan, panalo si Jessica pero botohan nga ‘yan at wala tayong magagawa.
Kaya nga dapat tumigil na ang ilan na nagpo-protesta pa. Ipa-open daw ang number of votes at ipakita sa publiko kung talagang natalo nga si Jessica. Very Pinoy naman ang ganung attitude. Hindi ito ang first time na hindi nanalo ang isang deserving dahil botohan nga ito at hindi naman pagalingan at ang nagagawa ng mga hurado ay impluwensiyahan ang mga tao. Nagkataong maganda ang mga sinasabi nina Jennifer Lopez, Steven Tyler and Randy Jackson tungkol kay PP sa kanilang huling showdown.
Isa pang duda na kaya mataas ang boto ni PP ay sympathy na rin bilang may karamdaman nga siya at naka-schedule magpa-opera ngayong tapos na ang contest.
Isang pawnshop worker si PP bago siya nag-join sa AI. Si Jessica naman ay high school student.
At dahil nakakontrata na si Jessica sa American Idol, hindi nito natanggap ang offer ni Manny Pacquiao na siya sana ang kumanta ng Lupang Hinirang sa kanyang laban kay Timothy Bradley.
Sure na rin ang career ni Jessica bilang naka-kontrata na nga raw ito sa music executive na si Tommy Mottola
Umabot sa 132 millions ang boto sa finale sa 11th Season ng American Idol.
TV host doble-doble ang kikitain sa show sa abroad
Ang wais pala talaga ng isang TV host. Doble-doble raw pala ang kikitain nito sa isang show na gaganapin sa abroad.
Bukod sa may kita raw ang TV host sa producer ng show sa Amerika, may bayad pa sa kanya ang kinabibilangan niyang network dahil nakumbinse niya ang kanyang network na isabay ang kanilang show ang launching ng international channel ng kanyang network.
Noong una raw ay mahina ang bentahan ng ticket ng show ng TV host pero nang may makasama raw siyang ibang artista, lumakas naman kahit papaano.
Pero ang pinaka naka-jackpot daw dito ay ang TV host na pagdating sa usapin ng pera, mahusay na mangubinsi.
Grace Lee kakaririn ang pagluluto para kay P-Noy
Alam naman natin na sila ay may galing na maibubuga pagdating sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw at sa hosting, pero paano kaya kung ang ilan sa mga paboritong mga artista ay subukan ang galing sa pagluluto?
Malalaman natin ang kasagutan sa pinakabagong handog ng GMA 7 at San Miguel Pure Foods Company Inc. (SMPFC) and Cooking with the Stars.
Simula May 28, masasaksihan natin ang pinakabagong programa ng GMA Network ang Cooking with the Stars hosted by radio-jock turned TV host Grace Lee.
Ang Cooking with the Stars ay isang cooking program na naglalayon na maghandog ng mga madadaling ilutong recipes na siguradong magpapatakam sa mga manonood.
Bagay kay Grace ang pagiging host ng nasabing programa dahil isa siyang culinary student. Kaya naman sobra ang kanyang pasalalamat dahil sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing programa. “I am very much thankful to GMA and San Miguel Pure Foods for trusting me with this project. I recently finished culinary school and my past time are reading cookbooks, researching recipes - so mahilig talaga akong magluto at mahilig din talagang kumain. Kaya when I eat, I eat with gusto!” sambit ng dalaga.
Dagdag ni Grace: “The good thing about our new show is that the dishes are easy to prepare. Puwede siyang gawin at i-serve ng kahit sino - the products that we use are readily available and of really good quality, sigurado ka pa na malinis! Here at the show, we always tell our viewers that for your food to be good, you start with products and ingredients that are delicious, safe and practical at a reasonable price.
Kasama ni Grace Lee ang ilan sa mga kinikilalang chefs mula sa San Miguel Pure Foods Culinary Center, na pinangungunahan ni Chef Maricel Manalo kasama sina sina Chefs Martin del Prado, Rene Ruz at Kai Verdadero.
Siyempre hindi magiging Cooking with the Stars ang nasabing programa kung wala ang ilan sa mga tinitingalang artista sa bansa. Sa bawat episode, may isang artista na tutulungan ng ating mga chef upang sagutin ang ilang mga problema pagdating sa pagluluto.
Idagdag pa ang Cooking Star of the Barangay na isa rin sa highlight ng programa. Bibisitahin nila ang ilang barangay sa bansa upang maghatid ng kasiyahan dala ang live brass band at dancing food servers na siguradong maghahatid ng fiesta vibes.
Kukunan ito sa SMPFC’s state-of-the-art San Miguel Pure Foods Culinary Center, at magsisimula sa May 28 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes (9:55 hanggang 10:05 am) sa GMA 7, at may replays sa GMA News TV tuwing Martes at Huwebes tuwing 7:00-7:10pm at Sabado (6:45 hanggang 6:55pm.
Kaya lang kung kailan naman nababalitang hiwalay na sila ni Pangulong Noynoy saka naman kakaririn ni Grace ang pagluluto.
- Latest