^

PSN Showbiz

Aktres biktima sa pustahan ng ex-BF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi napigilan ng sexy at magandang aktres na umiyak nang usisain namin ang kanyang love life. Hindi nito deretsong sinagot ang tanong namin kung break na sila ng rich non-showbiz BF, ang sabi lang, one month na silang hindi nag-uusap at tumulo na ang mga luha.

Sabi ng aktres, wala silang closure ng BF dahil hindi na ito nagpakita at tumawag sa kanya at nalaman na lang na may iba na itong dini-date na gaya sa ex ay mga sosyal.

Isa pang ikinasama ng loob ng aktres ay ang nalaman na kaya lang siya niligawan ng lalake dahil pinagpustahan siya ng mga kaibigan nito. Dahil napasagot siya ng guy, ibig sabihin, nanalo ito ng milyon.

Five months lang yata tumagal ang relasyon ng sexy at magandang aktres at ng rich ex niya na kanya raw minahal, kaya masakit ang ginawa nito sa kanya. Hindi namin alam kung dala ng sama ng loob, pero sabi ng aktres, kamukha ng isang ‘di kagandahang komedyana ang ipinalit sa kanya ng ex.                                

Nadine kabado kay LT

Gaya ng ibang cast ng Valiente, masaya si Nadine Samonte na extended sila ng another two weeks, kaya bale four weeks extended ang tele­serye. Ang ganda raw nang mangyayari sa karak­ter niyang si Maila Braganza at may twist bago magtapos.

Kinabahan lang si Nadine nang malamang pinuri­ siya ni Lorna Tolentino, dodoblehin daw niya ang galing sa mga eksena nila na kukunan at kung saan, magpapalitan sila nang mahabang monologue.

Para kay Nadine, malaki ang nagawa ng Valiente  sa career niya dahil sa mga ginawa niyang shows sa TV5, dito siya nag-marka ng husto. Maila ang tawag sa kanya ng tao at kinukumusta ang teleserye na dinidirehe ni Joel Lamangan.

 

Jolina sinalo ang role ni Roxanne

Hindi na nahirapan ang GMA 7 sa paghahanap nang ipapalit kay Roxanne Guinoo bilang love interest ni Ogie Alcasid sa Daddy Dearest. Si Jolina Magdangal ang papalit kay Roxanne.

Sa pagpasok ng Daddy Dearest, tatlo na ang regular shows ni Jolina sa GMA Network dahil may Party Pilipinas siya at host ng Personalan sa GMA News TV.

 

Jillian at Mona hinihintay nang lumaki

Hindi pa nga lumalabas sina Jillian Ward at Mona Louise Rey sa Luna Blanca, hinihintay na ang paglaki nila bilang sina Barbie Forteza at Bea Binene. Gustong malaman ng fans ang love team nina Barbie at Joshua Dionisio at Bea at Jake Vargas kung ipapasok sila bilang kapareha ng dalawang youngstars.

Pero parang narinig namin kay Barbie na wala silang makakapareha ni Bea dahil hindi magpu-focus sa love team at sa romansa ang story ng Luna Blanca, kundi sa istor­ya nina Luna at Blanca. Kaya lang, parang kulang kung walang love interest ang kambal lalo na sa paglaki nila bilang sina Heart Evangelista at Bianca King.

Bagay sanang kapareha ni Heart si Sid Lucero, kaya lang, nasa ibang soap ito at si Dennis Trillo naman ang bagay kay Bianca. Ayaw naman ng dalaga at gustong i-save ang pagsasama nila ng BF sa ibang project. Choosy! (Joke lang).

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEA

DADDY DEAREST

LANG

LUNA BLANCA

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with