^

PSN Showbiz

Annabelle tinuturuang bumait ng mga apo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Kung medyo hesitant pa ang mga anak ni Annabelle Rama sa pagtakbo nito bilang Congresswoman ng Cebu, sobrang excited naman ang dalawang apo niyang sina Lorin at Venice.

Sila pa raw mismo ang nagtuturo sa lola nila kung ano ang dapat gawin kung paano ang maging pulitiko.

Pati sa pag-utos nito sa mga kasambahay ay pinapakialaman daw ng dalawang bagets dahil dapat maayos daw kung mag-utos dahil magiging congresswoman na ito.

Natatawa na lang daw si Tita Annabelle kapag pinapakialaman ito ng mga apo niya.

Sabi naman ni Richard Gutierrez, pag-uusapan pa raw ng pamilya nila kung talagang desidido na nga ba ang mommy nila sa pagpasok sa pulitika.

PAK: Itinatanggi ni Rocco Nacino ang intrigang kinulang daw sa budget ang pelikula niyang Lam-Ang kaya natigil muna ang shooting nito.

Ang latest na narinig namin, nagkaroon daw ng problema sa bayarin kaya hindi na muna itinuloy ang shooting.

Ayon naman sa mga taga-Lam-Ang, matagal daw matapos ang set nila kaya natigil muna ang shooting at magri-resume sila sa last week of June.

Sabi naman ni Rocco, maayos naman daw ang shooting nila, pero talagang madugo raw ang budget nito at pinaghandaan daw ito ng kanilang producer.

BOOM: Nagdeklara na si AiAi de las Alas na hindi na nga raw siya matutuloy sa pelikulang pagsasamahan nila ni Sen. Bong Revilla at Vic Sotto na pang-MMFF.

Hindi raw siya talaga gagawa ng pelikulang pang-filmfest ngayong taon, kaya ibig sabihin hindi totoong may pelikula itong kasama sina Kris Aquino at Vice Ganda.

Sabi naman ni AiAi, hindi naman daw niya gagawin kung sakaling ibigay ito sa kanya ng Star Ci­nema.

Ang gusto talaga sanang karirin ni AiAi ay ang pagsasama nila nina Sen. Bong at Bossing Vic, at parang hindi siya interesado sa posibleng pagsasamahan nila nina AiAi at Vice.

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA

BOSSING VIC

DAW

KRIS AQUINO

LAM-ANG

NAMAN

NILA

RICHARD GUTIERREZ

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with