Aktres nag-feeling sikat nang magka-award
Kinaiimbyernahan sa set ng isang TV show ang aktres na feeling sikat dahil malaki ang ipinagbago ng kanyang ugali mula nang magkaroon ng acting award.
May acting na raw ang bawat kilos at pananalita ng aktres as in parang nanghihingi siya ng mga acting trophy.
Hindi rin nakikihalubilo ang aktres sa kanyang co-workers dahil kadalasan, nasa isang sulok lamang siya at umaasta na diva.
Nilalayuan na ang aktres ng mga kasamahan sa trabaho dahil sa instant pagbabago ng ugali at sa kanyang hindi maintindihan na trip.
Tv aktor ayaw tumanggap ng ibang trabaho hangga’t hindi nababayaran ang salary loan
Hindi muna tatanggap ng mga drama show ang isang aktor dahil naka-focus ang atensiyon niya sa isang TV program.
Nag-promise ang aktor sa produ ng TV program na hindi siya tatanggap ng ibang raket hanggang hindi niya nababayaran ang kanyang “salary loan”.
Maganda ang exposure ng aktor sa show na kinabibilangan niya kaya can afford siya na huwag tumanggap ng ibang programa.
Shalani nami-miss nang umapir sa tv
Ngayon ang presscon ng Game N Go, ang much-awaited game show ng TV5. Much-awaited dahil maraming beses na na-postpone ang pilot telecast na mapapanood tuwing Linggo ng tanghali sa Kapatid network.
Nadagdagan ang raket ni Joey de Leon dahil host siya ng Game N Go. Ka-join ni Papa Joey sa bagong game show ng TV5 sina Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio at Shalani Soledad-Romulo.
Matagal nang hindi nasisilayan sa TV5 na si Shalani mula nang ikasal sila ni Papa Roman Romulo at nang mawala siya sa Wil Time Bigtime. Nami-miss na ni Shalani ang pag-apir sa TV kaya excited siya sa nalalapit na pag-uumpisa ng Game N Go.
Mga artistang nagpa-stem cell hindi pa ready na magladlad
Marami sa mga taga-showbiz ang nagtatanong tungkol sa stem cell procedure. Nagkaroon sila ng interes dahil sa mga kuwento ko na nabasa ko naman mula sa brochure na galing pa sa Germany.
Sayang nga lang dahil hindi ko puwedeng sabihin ang mga name ng mga pulitiko at showbiz personality na sumailalim sa stem cell procedure. Baka hindi pa sila ready na i-reveal sa publiko na ang stem cell procedure ang sikreto ng kanilang pagiging bagets-looking at pagtalas ng mga memorya nila.
Ang dear readers ng PM at PSN ang unang makakaalam kapag natuloy ang aking binabalak na stem cell project.
TV5 tuloy na ang international launching
Ngayong gabi ang lipad sa US ng mga artista ng TV5 na kasali sa grand launch ng TV5 International sa Los Angeles at San Francisco, California.
Ka-join si Ruffa Gutierrez sa mga artista na aalis at makakasama niya sa biyahe sina Aga Muhlach, Derek Ramsay at Nora Aunor na magpapaiwan sa US dahil ipapagamot na niya ang kanyang boses.
- Latest