Ryan at Juday magbabanggaan sa MMFF 12
Ang laki ng posibilidad na magkatapat ang mga pelikula nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil parehong may magagandang movie offer ang mag-asawa.
Sa blind item, ibinalita ni Judy Ann na may maganda siyang big movie offer for MMFF from three big film companies at big stars ang kanyang makakasama. Nagulat ito dahil alam na ng press na ang BI niya ay ang movie nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto. Hindi na ito nakapag-deny sa magandang offer.
Ang sinasabing gagawing movie ni Ryan ay ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel Pictures at makakasama niya rito si Ogie Alcasid. Twin bill movie ito at sina Mark Meily at Chris Martinez ang mga directors.
Hindi pa natatanong si Ryan sa posibilidad na magkalaban ang mga pelikula nila ni Judy Ann sa MMFF pero para sa aktres hindi ito problema. Pareho silang magbi-benefit na mag-asawa kung matuloy ang projects.
Katherine Luna buntis na naman, stageplay ng pelikula ni nora nakabinbin
Madi-delay ang stageplay na Bakit Bughaw ang Langit dahil buntis daw si Katherine Luna? Natatandaan namin may nagbanggit na choice ni Direk Mario O’Hara na siyang nangangasiwa ng project at direktor ng pelikula si Katherine na gumanap sa role na ginampanan ni Nora Aunor sa pelikula.
Si Edgar Allan Guzman naman ang gaganap sa papel na ginampanan ni Dennis Roldan at pinaghandaan na nga ito ng aktor at pinanood ang pelikula para may background siya, ’tapos nabalitang baka ma-delay dahil preggy si Katherine.
May mga nagsa-suggest na bakit hindi na lang palitan ni Mercedes Cabral si Katherine para magawa na ang stage play? Excited na ang Noranians na mapanood ang stage play version ng isa sa magandang pelikulang ginawa ng Superstar at mukhang mabibitin pa kung hihintaying makapanganak si Katherine.
Hollywood Celebrities may tapatan ng endorsement sa ’Pinas
Bongga ang Penshoppe, sunud-sunod ang pagkuha ng mga Hollywood celebrities to endorse the Pinoy clothing company at ang latest nilang modelo ay ang American actress na si Leighton Meester. Sumikat ang aktres sa Gossip Girl bilang si Blair Waldorf.
Nabalita sa Twitter na dinala ng mga taga-Penshoppe si Ian Somerhalder sa El Nido sa Palawan. Si Somerhalder ang latest male endorser ng Penshoppe.
Samantala, nasa bansa na si Joe Jonas, ang bagong Bench endorser and today (Wednesday), may meet-and-greet session siya sa Makati Shangri-la.
Sid nagpapasalamat sa Kapuso
Nabago ang title ng soap na pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at Sid Lucero and from My Little Sister, naging Hindi Ka na Mag-iisa ang title nito. Sa direction pa rin ni Gil Tejada, narito rin sina Carl Guevarra, Krystal Reyes, Frank at Saab Magalona, at Angelu de Leon.
Thankful si Sid sa GMA 7 dahil kahit umeere pa ang Legacy, may bago na siyang soap. Nag-tweet ito ng “Thank you GMA… I won’t let you down.”
- Latest