^

PSN Showbiz

Angelica sobrang close kay Ryan Bang, binigyan ng cell phone

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Parang kapatid na ang turingan nina Ange­lica Panganiban at Ryan Bang. Naging malapit ang dalawa dahil magkasama sila sa programang Banana Split.

“Tinatawag niya ’kong ate, si Ate Angel, ganun. Kapag may problema siya, kapag takot siya, kapag masaya siya, lahat ng emosyon niya pinapaalam niya sa akin. Sobra kasi siyang lambing,” bungad ni Angelica.

 “Noong unang beses ko siyang nakita, sobrang kinukulit niya ako sa dressing room. Kakalabas pa lang niya ng PBB (Pinoy Big Brother) house noon para lang magpa-picture sa akin kasi sobrang crush na crush niya raw si Ruby (dating teleserye ni Angelica). So, natuwa naman ako na may ganun ’di ba? Na para siyang Filipino, nanonood siya ng teleserye. Ganun ’yung tingin niya sa akin.”

Naikuwento rin ni Angelica na sobrang malapit si Ryan sa ina nitong nasa South Korea.

“Everyday silang magkausap and nakita ko ’yun kasi noong mga panahon na lagi kaming magkasama, hindi lalampas ’yung isang araw na hindi niya kakausapin ’yung mommy niya. As in maglo-long distance siya, tatawagan niya, kakamustahin niya,” dagdag pa ni Angelica.

May pagkakataon pa na binigyan ng dalaga ng isang cell phone si Ryan para makausap ng libre ang ina.

“Noong isang beses, gusto niyang magkaroon ng iPhone kasi may mga applications daw na libre lang ’yung magiging pag-uusap nila ng mommy niya. Gusto niyang bilhin ’yung iPhone ko. Sabi ko hindi naman, parang ang pangit namang magbenta ng cell phone sa kaibigan. So, binigay ko ’yun sa kanya para makausap naman niya nang madalas ’yung mommy niya na hindi na niya kailangang gumastos,” pagtatapos ng aktres.

Ayon pa kay Angelica ay talaga namang guma­gaan ang buhay niya at ang mga taong nakapaligid kay Ryan dahil masayang kasama ang Korean young comedian.

Charice ibabahagi ang mga naranasang hirap

Abalang-abala ngayon ang international star na si Charice dahil sa kaliwa’t kanang proyekto niya sa Amerika at sa Pilipinas kasama na ang bagong reality show na The X Factor Philippines. Nakatakda nang magsimula sa June ang nasabing programa. Magiging isa sa apat na hurado dito ang singer at makakasama niya sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Pilita Corrales.

“Very hard sa schedule, I’ll be flying back and forth para gawin ’tong X Factor dahil may ginagawa rin ako roon,” nakangiting pahayag ni Charice.

Sobrang excited ng dalaga sa kanyang bagong proyekto sa Kapamilya Network. Magandang pag­kakataon ito upang maibahagi ni Charice ang kanyang mga karanasan at natutunan sa lahat ng magiging contestants ng kanilang programa.

“I feel very blessed and I wanna thank the X Factor team for trusting me to be part of their team. I can’t wait to share my experience sa mga ma­­gig­ing contestants. I’m very excited sa lahat ng magi­ging contestants. Make sure you have the X factor,” sabay smile ni Charice. – Reports from JAMES C. CANTOS

ATE ANGEL

BANANA SPLIT

CHARICE

GARY VALENCIANO

KAPAMILYA NETWORK

MARTIN NIEVERA

NIYA

RYAN

X FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with