Nanay ni Heart Evangelista diktador, Butch Francisco hindi kilala
Hindi naman ako makapaniwala na hindi kilala ng madir ni Heart Evangelista si Butch Francisco.
Si Butch ang nag-interbyu kay Heart sa guesting nito sa Startalk noong Sabado.
Sa tagal ni Butch sa showbiz at sa Startalk, hindi pala siya kilala ng madir ni Heart dahil nag-dialogue ito na sana si Papa Joey de Leon ang nag-interbyu sa kanyang anak dahil hindi raw niya knows si Butch. Unbelievable ha?
Kung malalaman ni Butch ang sinabi ng nanay ni Heart, hindi kaya siya ma-offend at magsalita rin siya na hindi niya kilala si Mrs. Ongpauco?
May request din ang nanay ni Heart na huwag nang ulit-ulitin ang pagpapalabas sa interbyu kay Daniel Matsunaga dahil ayaw niya ng too much drama at hindi rin daw teleserye ang mga showbiz talk shows.
Hindi puwedeng magdikta ang nanay ni Heart dahil mas alam ng staff ng mga showbiz talks ang nararapat na gawin.
Saka iniinterbyu lang ang kanyang anak dahil promo period ng Luna Blanca kaya hindi siya puwedeng mag-demand ng mataas na talent fee. Kasama sa mga obligasyon ng mga artista na i-promote ang kanilang TV show.
Raymond sinakitan din ng tiyan tulad ng Ate Ruffa
Pareho ng kapalaran ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez.
Hindi nakasipot si Ruffa sa Paparazzi noong Sabado dahil sa food poisoning.
No show kahapon si Raymond sa Showbiz Central dahil sumakit ang kanyang tiyan.
Jillian talbog sa pagka-bagets si Mona Louise
At dahil napag-uusapan ang Luna Blanca, ngayong gabi na ang pilot telecast ng bagong primetime show ng GMA 7.
Ang mga eksena muna ng mga child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey ang mapapanood dahil sila ang mga bagets na Luna at Blanca.
Nag-promote sina Jillian at Mona Louise sa Startalk noong Sabado.
Napansin ko ang malaking pagkakaiba ng dalawa. Kung prim and proper si Mona Louise, napaka-hyperactive naman ni Jillian na talon nang talon at masiglang-masigla.
Parehong biba ang mga bagets pero natatalbugan ni Jillian si Mona Louise na parang dalaga kung kumilos.–
Tonton at Glydel mabibili na ang dream house
Bibilhin na nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ang kanilang dream house.
Iiwan na ng mag-asawa ang kanilang townhouse sa Quezon City dahil dalawa na ang mga anak nila.
Parehong gusto nina Tonton at Glydel ang bahay na bibilhin.
Na-feel ng magdyowa ang positive vibes ng tingnan nila ang new house na located sa village na tinitirhan din ng maraming artista.
Salamat…
Maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa akin kahapon ng happy birthday.
A million thanks sa mga nag-text, tumawag sa telepono, at nagpadala ng mga regalo. Sa mga hindi pa nagpapadala, makakahabol pa kayo.
- Latest