Pacman, pumayag maging Bad Boy
Manila, Philippines - Bad boy pala ang magiging role ni Rep. Manny Pacquiao sa gagawin niyang Hollywood film. Supporting role daw ayon sa mga report bilang gangster.
Makakasama niya sa pelikula ang Filipino American comedian Rob Schneider.
Mahaba-haba raw ang role ni Pacman at marami itong magiging dialogues.
Pagdating sa acting, may karanasan na si Pacman. Kaya lang ‘yung pagiging bad boy, hindi kaya maging conflict sa pagiging born again niya?
Sarah ayaw din kay Lady Gaga
Isa si Sarah Geronimo sa unang nagsabi na hindi siya manonood ng concert ni Lady Gaga.
Dati-rati ay nag-a-ala Lady Gaga rin si Sarah pero ngayon ay na-feel niyang hindi na wholesome. At hindi pa nag-iisa si Sarah dahil kinakarir na ng ilan nating kababayan ang pagpo-protesta para sa gaganaping concert nito sa Mall of Asia Arena. Pero mukhang walang urungan ha?
Going back to Sarah, naki-join sa Santacruzan ang Pop Princess, ang kauna-unahang experience niya bilang isang Reyna Elena sa kanyang Pampanga hometown. Sino kayang naging escort niya?
Mapapanood ito ngayong gabi sa Sarah G. Live!
- Latest