Comedy-musical-talk show nina Ogie Alcasid at Michael V. mapapanood na!
Manila, Philippines - Simula na ngayong Linggo (May 20) ang tambalan nina multi-awarded singer at songwriter Ogie Alcasid at three-time Asian TV Best Comedy Actor Michael V. sa pinakabagong comedy-musical-talk show ng Kapuso Network, ang Pare & Pare!
Para sa pilot episode nito, ang talentadong tandem ng real-life mag-kumpare na sina Ogie at Bitoy ay maghahatid ng Pinoy-flavored humor sa kanilang interview sa feisty celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama. Ano nga ba ang qualities na hinahanap niya sa isang kaaway? Alamin din kung ano naman ang maaaring gawin ng kaaway niyang gustong makipagbati sa kanya.
Makakasama rin nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy ang batikang broadcaster at host ng Imbestigador na si Mike Enriquez dahil siya ay iimbestigahan ng dalawa! Paano nga ba naimbento ng TV anchor ang kaniyang signature na boses? Ilalabas din nila ang katotohanan kung sino nga ba si “baby” sa buhay ng “Imbestigador ng Bayan.”
Maririnig din ang tinig ng Asia ’s songbird, Regine Velasquez-Alcasid, hindi lang sa special musical number nito kundi sa kanyang pagtanggap ng hatol mula sa surprise judge na si Ryan Cayabyab sa I Judge U portion ng programa. Hahamunin din nila si Regine na i- set ang record sa Happy Birthday Challenge.
Ang kanilang sweet and sour na komentaryo sa pang-araw-araw na buhay, ihahayag din nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy sa kanilang stand-up The Week In Review opening.
Sa Mall Street Journal naman, maghahanap si Pareng Bitoy ng mga kakaibang bagay na binebenta sa kalye. Ano kaya ang mabibingwit niya?
Magkakasubukan din kung ano nga ba ang mas patok na street food merienda dahil ipaghaharap nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy ang squid ball sa kanto at ang takoyaki ng isang resto sa Bet Mo, Bet Ko.
Makikilala na rin ang dalawang astig na expert sa pagbibigay ng tips, sina Barako Mama at Barako Papa. Ibabahagi nila ang kanilang galing sa pagtatali ng necktie at bow tie sa Barako Tips.
Abangan ang lahat ng kasayahang ito ngayong Linggo, May 20, sa Pare & Pare, 8:30 ng gabi, pagkatapos ng iBilib sa Sunday Grande ng GMA.
- Latest