^

PSN Showbiz

Kani-kaniyang trip sa Life and Style

-

MANILA, Philippines - Patutunayan ng GMA News TV program na Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas-diyes ng umaga na bawat tao’y may kani-kaniyang trip sa buhay.

Unang makakatsikahan ng host-producer na si Mader Ricky ay si Ms. Chuck Gueco ng Angeles, Pampanga na nangungulekta ng iba-ibang mascara mula sa biyahe niya sa mga lugar na napasyalan. Ang mga maskarang ito’y di lang palamuti sa bahay ni Ms. Gueco. Ang mga ‘yon ay katibayan din ng kanyang kakaibang karakter.

Marami sa mga garment manufacturer dito sa ati’y naiimpluwensyahan ng mga disenyong dayuhan. Pero iba ang Filipino-Chinese na si Brian Dy (kasama ni Mader RR sa larawan) dahil ang mga t-shirts at jackets na nabibili sa kanyang My Lifestyle Philippines Store ay dinisenyo niya na ang inspirasyon ay Pinoy na Pinoy.

Magtuturo si Ash Evasco ng digital photography. kukuwento rin niya kung paanong ang libangang pagkukuha ng mga larawan ay isa na ngayong mata­gumpay na negosyo.

Magbibigay naman ng paghahalo-halo ng mga prutas si Dr. Harris Acero ng Remnant Alternative Health Salon para sa masustansiyang summer cooler na maaari ninyong gawin kahit sa sariling kusina.

May interbyu pa si Mader sa isang Italyanong bilib sa mga mahuhusay na Cebuanong karpintero na gumagawa ng mga furniture na ini-export niya sa ibang bansa. 

At ito ang tunay na nakakaaliw na trip. Ang Foundation Day happening sa Tiaong, Quezon. Mayroong Lubid lubid Festival, Cow Parade, Miss Tiaong Pageant at coronation at ang isang Santacruzan na ang mga sagala’y Ms Philippines-Earth 2012 candidates.

ANG FOUNDATION DAY

ASH EVASCO

BRIAN DY

COW PARADE

DR. HARRIS ACERO

GANDANG RICKY REYES

LIFE AND STYLE

MADER

MADER RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with