^

PSN Showbiz

Luis 'sinuway' si Gov. Vi

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ayaw na raw mag-pulitika ni Luis Manzano?

Nakapagtataka ba eh, ang laki-laki ng kita niya sa showbiz. Samantalang kung nasa pulitika siya at dumami ang pera niya, baka sabihin pang corrupt siya, na ang pera niya ay galing sa masama, sa pangungurakot.

Kung ako ang tatanungin, bakit pa nga ba siya papasok ng pulitika gayung masaya naman siya sa kanyang pag-aartista?

Maiintindihan naman siguro siya ni gobernadora kung ayaw niyang maging pulitiko.   

Macario Asistio nakigulo na kina Annabelle at Nadia

Mukhang mahilab-hilab ‘yung kasong isinampa ni dating Caloocan Mayor Macario Asistio kay Mama Annabelle Rama.

Hindi na ito pagsuporta lamang sa kanyang asawang si Nadia Montenegro kundi pagtutol na rin sa sinasabi niyang paghamak ng talent manager sa buong pamilya Asistio.

Talagang nagkakasanga-sanga na ang alitan ng dalawang babae na kung hindi lamang pinairal ang kanilang mga pride ay naiwasan sana na pati mga asawa’t anak nila ay masangkot sa kanilang gusot. Wala namang away na hindi kayang

maresolbahan, kung papayag lamang ang mga nag-aaway na magkaayos para sa kapakanan ng mga mahal nila sa buhay.

Raymart hinaharap na ang trabaho

Mabuti naman at nagsisimula nang magtrabaho si Raymart Santiago. Ito ang naging dahilan ng kanyang absence at hindi pagsama kay Claudine Barretto sa unang hearing ng kanilang kaso laban kay Ramon Tulfo.

Ang kasong ito ay inaasahan ko rin na mauwi sana sa pagkakasundo. Para makapag-move on na silang lahat with a clean slate. Sinamahan na lamang si Claudine ng kanyang mga magulang na sigurado ako na papayag din na magkasundu-sundo na ang lahat, para hindi na rin sila mag-alala at matakot.

vuukle comment

ANNABELLE

ASISTIO

CALOOCAN MAYOR MACARIO ASISTIO

CLAUDINE BARRETTO

LUIS MANZANO

MACARIO ASISTIO

MAMA ANNABELLE RAMA

NADIA MONTENEGRO

RAMON TULFO

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with