Dahil hindi marunong ng cinematic, Angeline nagsawa sa kakasampal kay Coco
Sa director ng pelikulang unang pinagtambalan nina Coco Martin at Angeline Quinto na si Jerome Pobocan nanggaling na napakaraming kissing scene ng kanyang dalawang bida sa pelikulang Born to Love You. Pero hindi lamang sa halikan marami ang pelikula, kasing-dami rin ng kissing scenes ng dalawa ang ginawang pananampal ni Angeline kay Coco.
‘Di marunong ng cinematic na sampal ang bagong artista kaya bawat sampal na ibinigay niya sa kapareha ay ramdam na ramdam nito.
Kahit marami ang alanganin dahil dire-diretso sa paggawa ng pelikula si Angeline, ni hindi man lamang ito dumaan sa pag-arte sa telebisyon, siniguro nina Coco at direk Jerome na masisiyahan ang lahat ng manonood sa kauna-unahang pelikula ng singer.
“Medyo kabado rin ako nang malaman ko na sina Coco at Angeline ang magkakapareha sa pelikula pero, tinanggap ko itong isang malaking hamon sa aking unang pagdidirek ng pelikula. Hiniling ko na lang kay Coco na alalayan si Angeline. Nakita ko naman na gustung- gusto nitong matuto at napaka-sinsero ng kanyang pagganap sa kanyang role,” ang sabi ng director na unang napasikat sina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa Mara Clara at si Zaijian Jaranilla sa May Bukas Pa.
Pero hindi lamang si direk Jerome ang may magandang sinasabi sa bagong artista. “Very promising si Angeline. Malalim siya at may talento which is now unfolding,” ani Malou de Guzman.
“For a beginner, na-i-deliver niyang lahat ng requirement ng director,” sabi naman ni Albert Martinez na mas lalong naging guwapo at nagmukhang kaedad lang ni Coco.
Pero kung maganda man ang papuri nila kay Angeline ang may katawan mismo ang nagsasabi na marami pa siyang dapat matutunan sa pagiging artista. “Hindi naman lahat ng ipinagawa sa akin ni direk Jerome ay nasunod ko.
Hindi ang pagsusuot ng two piece na sinabi niyang suotin ko sa aking first shooting day. Sabi ko hindi pa ako handa. Hindi nga ba may nagsabi na kamukha ko si Vandolph at naniniwala ako na ang katabaan ko ang pinatutungkulan nila. So nag-decide ako na magpapayat. Habang pinag-aaralan ko kung papaano umarte isinabay ko na rin ang pagda-diet,” kuwento ng kampyong singer.
Dahil dire-diretso sa pelikula si Angeline, isinabak muna ito sa mga acting workshops. Dito nakita ni Coco na marami pang hindi alam si Angeline tungkol sa pag-aartista.
“Zero talaga. Pero ginulat niya kaming lahat dahil napakabilis ng development niya. Gusto ko rin naman sabihin na may naitulong din ako sa kanya,” sabi ni Coco. Hindi maiiwasan na muli na namang
ikumpara si Angeline kay Sarah Geronimo.
“Expected ko na ‘yon. Hindi maiiwasan pero magkakilala na kami ni Sarah nun pa. Wala kaming problema. Bahagi na ang pang-iintriga sa amin ng trabaho namin. Tulad din ng pagiging bahagi ng pag-aartista ko ang pagkakaroon ng
kissing scene kay Coco at maging sa ibang mga makakapareha ko pa. Pinaghandaan ko na ito,” ani Angeline.
Sen. Bong malaki ang responsibilidad
Hindi masisisi si Sen. Bong Revilla kung magkaisip man itong tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa susunod na presidential elections. Sa laki ba naman ng ipinagkatiwalang obligasyon sa kanya ng kinabibilangan niyang political party, ang Lakas ng Tao-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), talagang matututo siya sa pagpapatakbo hindi lamang ng kanilang organisasyon kundi maging ng bansa.
Bilang pangulo ng Lakas-CMD, magpapatuloy sila sa pagiging critical partner ng administrasyon in national development at tutulong din sa socio-economic development at nation-building.
Nahalal din si Sen Revilla bilang Chairman ng Council of Leaders ng kanilang partido.
- Latest