^

PSN Showbiz

Angel Locsin, nangunguna sa FHM sexiest women

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Nangunguna pa rin si Angel Locsin sa listahan ng Sexiest Women in the world ng FHM Philippines.

Kasunod naman niya mula number 2 hanggang 10, sina Sam Pinto, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Marian Rivera, Ellen Adarna, Sollenn Heusaff, Bela Padilla, Bangs Garcia, at Toni Gonzaga.

Patuloy na nangunguna si Angel Locsin sa mga nakaraang partial results. Dagdag pa rito, bawat taon ay pinatutunayan ni Angel na siya’y isang malakas na katimpalak. Hindi rin mapagkakailang hinahangaan siya dahil makailang beses na rin niyang nasungkit ang pagiging numero uno.

Sa kabilang dako naman, ang on-screen partner ni Angel na si Vhong Navarro ay nagbalik na pagkatapos ng matagal na pamamahinga mula sa telebisyon. Sumailalim ang actor/host sa isang operasyon (appendectomy) noong nakaraang buwan at pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna ng ilang linggo.

Samantala sa TODA Max ngayong Linggo, makakasagupa nina Justin Bibbo (Vhong Navarro) at Isabel (Angel Locsin) ang hirap sa pagpaplano ng isang kasal. Malilito ang magkasintahan dahil sa iba’t-ibang ideya at suhestiyon ng mga kapamilya lalo na si Tatay Mac.

 ‘Wag kalimutan ang napakasaya at napakakulit na episode na ito ng TODA Max ngayon Sabado (May 19, 2012) pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya rito sa ABS-CBN.

John Lloyd at Biogesic, Tuloy Pa Rin sa Pag-i-’ingat’

Mula nang mapanood ng mga viewers si John Lloyd Cruz na bumabati sa kanila ng isang malam­bing na “ingat” sa TV commercial ng Biogesic, tumatak na sa publiko ang commercial na ‘yun. Ganyan kalakas ang dating ni JL na bukod sa pagiging magaling na aktor ay subok na rin ang pagi­ging bankable endorser. Kaya naman hindi nag-atubiling i-renew ng Unilab, ang kumpanyang gumagawa ng numero unong gamot sa lagnat at sakit ng ulo, ang kontrata ni John Lloyd bilang endorser ng Biogesic. Sa katunayan ay sinabi ng mismong senior vice president ng Unilab na si Sebastian Frederick Baquiran na malayo na umano ang narating ng partnership sa pagitan ng Biogesic at ni John Lloyd, at umaasa siyang mananatili itong matatag sa mahabang panahon.

Malaki naman ang pagpapasalamat ni John Lloyd sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Unilab at ng Biogesic, na anim na taon na pala niyang ineendorso.

“Biogesic started my career as an endorser and I am very grateful for that. Nakakatuwang isipin na sobrang laki ng tiwala nila sa akin,” sabi ni John Lloyd.

Mula nang mag-umpisa si John Lloyd hanggang ngayong isa na siyang sikat na aktor ay naging bahagi na ng kanyang showbiz career ang Biogesic.

Todo rin ang suportang ibinibigay ng Unilab at ng Biogesic sa lahat ng mga projects ng aktor. Katulad na lang ng pinakabago nitong tagumpay - ang pagiging box-office hit ng kanyang pelikulang Unofficially Yours. Nag-host ng isang bonggang thanksgiving lunch ang Biogesic para kay John Lloyd.

Bagama’t isa siya sa pinaka in-demand ng endorser ngayon, hindi basta-bastang tumatanggap ng endorsements si John Lloyd lalo na kung hindi niya subok ang produkto.

“Kailangan malaki ang tiwala ko sa produktong ie-endorse ko, yung sobrang tiwala na ako mismo gagamit nito,” paliwanag ni John Lloyd.

Ayon sa aktor nakakasiguro kasi siya sa kalidad at safety ng Biogesic.

Ngayong patuloy na dumarami ang pro­jects na binibigay sa kanya, lalo niyang pinagbubuti ang kanyang pag-iingat laban sa sakit.

“It’s hard to get sick because it affects my work as an actor. I cannot afford to skip work because a lot of people depend on me. I have employees and their families to think about,” kuwento ng aktor.

Samantala, handang handa na si John Lloyd sa shooting ng kanyang bagong Biogesic commercial na tiyak na aabangan na naman ng milyun-milyon niyang fans. Kaya naman payo ni JL sa lahat, patuloy tayong mag-”Ingat”. 

Samantala, sa lovelife kaya nag-iingat si John Lloyd?

ANC at TV Patrol, unang gumamit ng Weather Central sa ‘Pinas

Maihahatid na ng ABS-CBN News and Current Affairs ang pi­nakawastong ulat-panahon sa pag­­ga­mit nito ng pinakamakabagong pag-uulat ng panahon mula sa Weather Central, ang pinakapi­nag­­kakatiwalaang provider ng ulat-panahon sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng pagtutok sa Channel 2 at ANC, makukuha na ng mga Pinoy ang pinaka-eksakto at pinakahuling impormas­yon ukol sa panahon saan man sa Pilipinas.

“Nakita na natin ang pinsalang dulot ng panahon sa buhay at ari-arian ng mga Pilipino ngunit hindi pa kailanman nagkakaroon ng access ang ating mga kababayan sa matino at mapagkakatiwalaang ulat-panahon,” ani Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Ipinaliwanag ni Reyes na ihahatid ng Weather Central sa ABS-CBN ang pinakatiyak na datos-panahon dahil sa moderno nitong kagamitan at klarong impormasyon.

Sa kasalukuyan, ginagamit na ng mga ulat panahon sa Umagang Kay Ganda, TV Patrol, at newscasts ng ANC mula sa Headstart (8 a.m.) hanggang sa The World Tonight (10 p.m.) ang bagong weather system na may kahali-halinang itsura, makabagong graphics, virtual sets, mapa, at makatotohanang imahe.

Tiyak na makakatulong ito sa mga magulang at mag-aaral sa paparating na pasukan at sa mga pamilyang nagbabalak na magbakasyon dahil natatantiya nito ang panahon sa loob ng limang araw, ang tumpak na temperatura, at nakakatala rin ng mga lindol.

Bukod pa riyan, kaya ring tukuyin ng sistema ang panahon sa Quezon City kumpara sa Maynila, sa Mandaue kumpara sa Cebu, at sa Kalibo kumpara sa Boracay.

Maaari ring itakda ang ulat panahon ayon sa kinalalagyan saan man sa bansa mula sa ABS-CBNNews.com, or sa cell phones sa pamamagitan ng ABS-CBN weather application na malapit nang ma-access sa iPhone, iPod Touch, iPad, at Android devices.

ANGEL LOCSIN

BIOGESIC

JOHN

JOHN LLOYD

LLOYD

PANAHON

SHY

UNILAB

WEATHER CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with