^

PSN Showbiz

Karylle ayaw matulad sa naging kapalaran sa pag-aasawa ni Zsa Zsa

- Veronica R. Samio -

Kundi pa siya nakuhang image model at kauna-unahang endorser ng Miladay ay hindi pa lalabas na engaged na si Karylle sa kanyang boyfriend na lead singer ng bandang Spongecola. Isang sing­sing na lamang ang kulang para maging pormal ang  kanilang engagement. At kung sa Miladay din bibilhin ni Yael Yuson ang hinihintay niyang singsing ay hindi na mahalaga dahil sa ngayon wala sa priority ni Karyllle ang pag-aasawa. Mas focused siya sa kanyang career na talaga namang umaarangkada.

Ang paghihinay-hinay din sa paglagay sa tahimik ang payo kay Karylle ng kanyang inang si ZsaZsa Padilla. Maagang nag-asawa si ZsaZsa kung kaya marahil umabot din sila sa hiwalayan ng ama ni ­Karylle.

Sa kabila ng naging paghihiwalay ng kanyang mga magulang,  at si Ka­rylle­ ay lumaki sa kandili ng kanyang ama, close sila ni ZsaZsa. Ganundin sa mga kapatid niya sa ina. Supportive siya kay Zia na pumasok na rin ng showbiz. Madalas din ang communication nila ni Nicole na nasa ibang bansa at nag-aaral. Nagbabalak siyang kumuha ng culinary arts at balak niyang mag-aral kasama ang kanyang ina.

May plano siyang pumunta ng Monte Carlo sa June na kung saan ay nominado siya bilang Best Actress para sa ginawa niyang The Kitchen Musical sa Singapore. Hindi siya nag-iisa, may dalawa pang Pilipino na kasama rin sa nasabing TV musical at nabigyan din ng acting nominations.

Kasalukuyang pino-promote niya ang isang album na nagtataglay ng soundtrack ng The Kitchen Musical at ginawan ng areglo ni Gerald Salonga.

Ryan ayaw munang mabuntis si Juday

Talagang enjoy si Judy Ann Santos sa pagiging nanay kina Yohan at Lucho kung kaya this early, kahit dalawang taon pa lamang ang kanyang bunso, ay nangangarap na siyang magbuntis muli para madagdagan ang bilang ng kanyang mga anak.

Ang mister niyang si Ryan Agoncillo ang nagsabing palakihin pa nila kahit kaunti pa si Lucho bago nila ito bigyan ng isa pang kapatid. At nakita naman niya ang punto ng asawa kaya wait na lang muna siya.

Sharon naghahanda ng sorpresa para kay Helen Gamboa

Tama lamang na si Sharon Cuneta ang nagsimula ng pagbabati nila ng kanyang tiyahing si Helen Gamboa sa pamamagitan ng pagti-text dito.

Hindi na binalikan pa sa text ni Mega ang pinagsimulan ng pinagkagalitan nila. Wala na ring mga sinabing apologies. Pinakiusapan lamang niya ang tiyahin na magbati na sila na hindi nagawang tanggihan ni Helen. Tinext din nito ang pamangkin para sabihin na hindi siya nagagalit. May tampo lamang siya na nararamdaman at gusto nitong magkausap sila pero hindi pa sila nagkakaharap. Sinabi ni Sharon na ito naman ang susunod niyang agenda. Sosorpresahin niya ang tiyahin isa sa mga araw na ito.

Sobra ang kaabalahan niya sa bago niyang programang Sharon: Kasama Ko, Kapatid pero hindi ito dahilan para magtagal pa ang pagkikita nila. Ito ang pinaka-aabangan ng marami.

vuukle comment

BEST ACTRESS

GERALD SALONGA

HELEN GAMBOA

JUDY ANN SANTOS

KANYANG

KARYLLE

KASAMA KO

KITCHEN MUSICAL

LUCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with