Pacman tuloy na sa panonood ng American Idol!
MANILA, Philippines - Sa finale naman pala ng American Idol (AI) nakatakdang manood ng live ni Rep. Manny Pacquiao para suportahan si Jessica Sanchez na pasok sa Final 3 ng AI. Ayon sa Twitter account ni Dra. Vicki Belo:
“Manny Pacquiao decided he d rather go to the final performance since he thinks Jessica will win. its ok manny spent hours talking to me.”
Naunang napabalita na manonood si Pound-For-Pound King sa last episode. Pero napagod ito kaya hindi na tumuloy.
Derek ibinunyag na wala na nga sila ni Angelica
Kinumpirma ni Derek Ramsay sa kanyang Twitter account kahapon na hiwalay na nga sila ni Angelica Panganiban.
“Guys we truly appreciate all your concerns. Even though Angel and I are no longer together we still have the utmost respect for one another,” sabi niya tungkol sa kanila ng girlfriend na dati ay cool off lang sila.
“There was no wasted time. I loved every minute we had together,” dagdag pa niya.
Isa si Derek sa mga artistang aktibo sa Twitter at aminado siya na isa ito sa mga naging basehan niya para malaman na suportado siya ng fans matapos siyang lumayas ng Kapamilya Network at lumipat sa TV5.
Merong 646,542 followers ang aktor.
Nauna na siyang nag-deny sa Twitter tungkol sa pagkaka-link sa kanila ni Sam Pinto at ang tungkol sa sinasabing involvement ni John Lloyd Cruz sa hiwalayan nila ni Angelica.
Anyway, si Angelica nga pala ay merong mahigit isang milyong followers sa Twitter – 1,470,580, more than half sa followers ng kanyang ex-BF.
Karylle, engaged na!
“Just like the history of Miladay, Karylle’s life is composed of inspiring tales of love,” pauna ni Ms. Christine Dayrit, isa sa mga may-ari ng kilala at pinagkakatiwalaang jewelry brand, Miladay Jewels.
“This makes her the perfect choice to be the face of ‘Miladay Today,’” dagdag pa ni Ms. Christine na chairman din ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Bilang brand ambassador, pangungunahan nga ni Karylle ang kampanyang ‘Miladay Today.’
“It is like being engaged to yourself. It is a brilliant concept that aims to inspire and remind people that loving one’s self is the ultimate key to one’s happiness. At this day and age, one does not need someone else to give one an engagement ring or a dream diamond or any precious jewels for that matter. It’s the best gift of love you can give yourself. I am so happy to be part of this campaign and of this trusted brand,” paliwanag ng anak ni Zsa Zsa Padilla matapos umapir sa AVP ng Miladay titled Sacred Vows where she empowers one to make inspired vows to one’s self.
Dinirek ang Sacred Vows ng award-winning director na si Mark Meily.
Pag-aari ng mga Dayrit ang Miladay na sinimulan ni Mila Salgada-Dayrit na ang pangarap noon ay magkaroon ng Miladay piece ang bawat Pilipino.
“The brand stands for so many good and beautiful things—trust, love, integrity—and I am so excited to be its brand ambassador,” dagdag pa ng singer.
Ayon kay Ms. Christine, ang achievements ni Karylle ang rason kung bakit napili ng Miladay.
Pinaka-latest sa achievement ni K ang international recognition niya sa TV series na The Kitchen Musical.
“My mom’s passion for local culture, love for her loyal workforce and gifted goldsmiths gave birth to Miladay’s collection, a showcase of Filipino artistry through beautifully handcrafted jewelry,” says Christine.
“The legacy left by my parents continues to be our inspiration to make the Miladay brand bigger, more trusted.”
Miladay was named one of the country’s Trusted Brands in 2006 and 2007 by the nationwide survey of the Reader’s Digest. It also garnered the prestigious Retailers Award in 2007 given by the Department of Trade and Industry and the Philippine Retailers Association.
Sinabi pa ni Christine that her parents have imparted to them important business principles that they strictly uphold—honesty, integrity and reliability.
Bukod kay Ms. Christine, other owners/directors of the Miladay Jewels board are Michelle Dayrit-Soliven, Mark Dayrit, Yvonne Dayrit-Romualdez, and Jaqui Dayrit-Boncan.
“Undeniably, this is a family affair that we would like to extend to every Filipino and their families,” says Mark. “Over the years, we have worked hard to present to everyone what ‘Miladay Today’ is all about.”
Aside from the House of Miladay in Jupiter Street in Makati, Miladay has branches in Alabang Town Center, SM Mall of Asia, Glorietta 4, The Podium, The Block in SM North EDSA, TriNoma North Triangle, and SM City Taytay.
For more information, please call 890-6303 or 890-7738 or log on to www.miladayjewels.com.
So, hindi na kailangang maghintay nang magbibigay ng singsing o kahit anong alahas, buy na lang kayo sa Miladay. Mas sigurado pa ’yun.
Nanay, special guest ni Sharon
Ang suwerte naman ng isang nanay na kauna-unahang umapir sa programang Sharon, Kasama Mo Kapatid na nagsimulang ipalabas kahapon. Bago lumabas si Juday (Judy Ann Santos), may isang nanay na kinausap si Sharon. Hindi gaanong kilala si nanay. Opening salvo siya.
Anyway, 4:30 p.m. ang slot ng kauna-unahang programa ni Sharon sa TV5.
- Latest