^

PSN Showbiz

Piolo at Angelica bumabawi sa mga ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Mamayang gabi ay gaganapin na sa SM Megamall Cinema 9 ang grand red carpet premiere ng pelikulang Every Breath U Take mula sa Star Cinema. Pinagbibidahan ito nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual. Noong Linggo ay naikuwento ng dalawa sa The Buzz kung gaano nila kamahal ang kanilang mga ina bilang paggunita sa Mother’s Day.

Madalas ay may quality time sina Piolo at ang kanyang Mommy Amy.

“Because we lost our dad when we were still so young, so parang we wanted to fill that gap. Mom really took her time to take care of us. Six kids kami, she kinda forgot about herself. Nagtrabaho siya for us. It’s our way of giving back,” paliwanag ni Piolo.

“Nakita namin how she raised us, kung wala siya, siyempre hindi kami magiging successful sa mga buhay namin ngayon. Kaya sobra ang pasasalamat ko and these are just things na kulang pa for the things she did for us.”

Malaking bahagi ng buhay at pagkatao ni Piolo ay ang kanyang natutunan mula sa kanyang ina. Samantala, hindi naman nagkaroon ng pagkakataon na makilala ni Angelica ang kanyang tunay na ina. Pumanaw ito noong 2008 at hindi nagtanim kalian man si Angelica ng galit sa kanyang puso ng ipaampon siya ng kanyang tunay na ina.

“Kapag may mabalitaan kang ganoon, ang initial reaction ng mga tao ay magagalit ka, sasama ang loob mo,” pahayag ni Angelica.

Minsan ay nagkakatampuhan din sina Angelica at ang inang kumupkop sa kanya. “Ang nangyari sa akin, nahiya ako kasi parang feeling ko ang yabang ko. Minsan aawayin ko, mag-aaway kami, magkakatampuhan kami. Parang ang kapal ng mukha ko na gawin ’yon sa kanya to think na hindi niya ako kaanu-ano. Minahal niya ako ng buo na never akong nag-doubt kung totoong pamilya ako sa kanila kasi ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin, mas grabe pa kung paano sila magmahalan,” kuwento pa ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Angelica sa nakagis­nan niyang pamilya na walang sawang nagmamahal sa kanya.

Enchong mahihirapang ma-in love kay Maja

Si Maja Salvador ang bagong makakatambal ni Enchong Dee sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak kung saan makakasama rin ng dalawa sina Kim Chiu at Xian Lim. Mahihirapan ang binata kay Maja dahil magkabarkada talaga sila sa totoong buhay.

“Siguro mahirap para sa amin kasi barkada talaga kami pero kailangan namin ipakita ’yung love angle and kailangan mong hugutin ’yun somewhere kasi ’di ba, kung magkaibigan ’yung ipo-portray madali lang pero with something more than that so kailangan namin i-experiment pa ’yun,” paliwanag ni Enchong.

Umaasa naman ang aktor na makitaan sila ni Maja ng chemistry kapag umere na ang kanilang bagong proyekto.

“Sana lumabas iyon sa aming dalawa kasi magaling naman siyang artista eh. So kumbaga madali lang para sa kanya ’yun. Madali rin kasi siyang kaeksena kasi kunwari aakbayan ko siya, kumbaga hindi ilang. Hindi katulad kung first time na magkakilala,” giit ng binata.    Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ENCHONG

ENCHONG DEE

EVERY BREATH U TAKE

KASI

KIM CHIU

KUNG

MAJA

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with