Kahit pa 'mats-mats' Luis at Jennylyn hinulaang hindi magtatagal
SEEN: Mats-mats ang term of endearment nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa isa’t isa.
May prediction na hindi magtatagal ang relasyon nina Jennylyn at Luis.
SCENE: Pigang-piga na ang lahat ng anggulo sa buntalan nina Mon Tulfo at Raymart Santiago sa NAIA 3.
Kinasasawaan ng panoorin ang TV interview sa kanila.
SEEN: Business with pleasure ang US trip ni Marvin Agustin dahil pinuntahan nito ang mga sikat na restaurant sa California para sa mga bagong idea na magagamit niya sa kanyang restaurant business sa Pilipinas.
SCENE: Balik-radyo si Grace Lee dahil siya ang temporary replacement kay DJ Mo Twister at sa dalawang lady disc jockeys na two-week suspended ng Magic 89.9 management dahil sa below-the-belt prank kay Charice.
SEEN: Dumating kahapon sa Pilipinas ang Thai actor na si Mario Maurer dahil sa shooting ng Suddenly It’s Magic, ang pelikula nila ni Erich Gonzales sa Star Cinema.
SEEN: Wala ang mukha ni Maui Taylor sa poster ng The Taste of Money pero kasama sa publicity photo ang mga eksena niya sa Korean movie na ipalalabas sa 2012 Cannes Film Festival.
Isang Filipina maid ang role ni Maui sa The Taste of Money.
SCENE: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Every Breath U Take sa SM Megamall Cinema 9. Mga bida ng pelikula sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.
- Latest