^

PSN Showbiz

Paulo nagkaroon ng star aura sa ABS-CBN

- SEEN SCENE -

SEEN: Panalo ang Filipino boxer na si Brian Viloria sa laban nila kahapon ng Mexican boxer na si Omar Niño Romero sa Ynares Sports Arena. Tinapos ng referee ang laban sa 9th round dahil na­rindi si Romero sa mga suntok ni Viloria na hawak pa rin ang WBO Flyweight Champion Title.

SCENE: “Revenge is sweet served with a Hawaiian Punch! Thanks for all the love and support” ang mensahe ni Brian “Hawaiian Punch” Viloria sa lahat ng mga supporter niya.

SEEN: Napaluha si Vangie Anderson ng kantahan siya kahapon ni Gerald Anderson sa ASAP 2012. Si Vangie ang ina ni Gerald na nag-guest sa Mother’s Day Presentation ng ASAP 2012.

SCENE: Kahapon ang 24th birthday ni Paulo Avelino at nag-celebrate siya sa ASAP 2012. Nagkaroon si Paulo ng star aura ng lumipat siya sa ABS-CBN.

SEEN: Oven-baked lechon mula sa Cebu ang bagong business ni JC de Vera. Maingat na si JC sa pagnenegos­yo para hindi na maulit ang panloloko sa kanya nang mag-invest siya sa Barrakz Bar & Restaurant.

SCENE: Habang tumatagal, nagiging kamukha si KC Concepcion ng kanyang Lola Elaine Cuneta. It must be the makeup.

SEEN: Big fan ni Jessica Sanchez si Frankie Pangilinan, ang panganay nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan. Umaapela si Frankie sa mga Pinoy sa Amerika na iboto si Jessi­ca upang ito ang manalo sa American Idol.

SCENE: Maganda na pang-damage control sa image ng Tulfo brothers ang paglantad at pagsasalita sa media ng kanilang disciplinarian mother, si Mrs. Caridad Tulfo. Unang umalma si Mrs. Tulfo sa mga pagbabanta ng kanyang mga anak sa mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

AMERICAN IDOL

BARRAKZ BAR

BRIAN VILORIA

CARIDAD TULFO

CLAUDINE BARRETTO

DAY PRESENTATION

ELAINE CUNETA

FLYWEIGHT CHAMPION TITLE

FRANKIE PANGILINAN

HAWAIIAN PUNCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with