Regine sa Party P magse-celebrate ng Mother's Day
MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, Mayo 13, isang handog sa mga ina ang ihahatid sa mga manonood ng humahataw concert party sa telebisyon.
Tinawag na Party Pilipinas Ilaw ang edisyon ngayon ng Party Pilipinas ng GMA 7 dahil isang simbolo ng mga ina ang Ilaw lalo pa at ipinagdiriwang ngayon sa bansa ang Mother’s Day.
Magiging makahulugan din ang show sa pagbabalik dito ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na batid ng lahat na ina ng batang si Nathaniel.
Mayayanig ang buong concert stage sa pagtatanghal ng All Stars. Makikipagsabayan si Regine kina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, JayR, Rachelle Ann Go, Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, at Mark Bautista. Handa rin ang Songbird sa kanyang reunion sa kapwa diva na La Diva at style icon Jolina Magdangal sa isang special performance.
Tutukan din sa linggong ito ang tatlong Kapuso princess na sina Jennylyn Mercado, Kris Bernal, at Julie Anne San Jose na pawang nagdiriwang ng kanilang kaarawan.
Hahataw din ng kanta at sayaw ang GirldSquad nina Sarah Lahbati, Frencheska Farr, Winwyn Marquez, Yassi Pressman, Diva Montelaba, Mayton Eugenio, Yssa Alvarez, at Hannah Flores.
Abangan din ang Rap Acoustic nina Elmo and Frank Magalona, Sarah, Frencheska, Lirah Bermudez, Jay Perillo, Kristoffer Martin, at YouTube sensation Mickey Bustos.
Magpaparinig din ng OPM songs sa Love Party Pilipinas sina Jennylyn Mercado, Carla Abellana, Lovi Poe, and Heart Evangelista.
Sa Sayaw Pilipinas, magpapamalas ng mga bagong sayaw sina Mark Herras, Sef Cadayona, Steven Silva, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Julian Trono.
Magpapaapoy din sa dance floor sa pamamagitan ng kanilang maiinit na production number ang Sexy Hataw girls na sina Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez, Pauleen Luna, Sheena Halili, Chariz Solomon, Vaness Del Moral, at Winwyn Marquez.
Kasama rin sa summer fun ang cast ng Biritera na sina Glaiza De Castro, Rich Asuncion, Barbara Miguel, at Rose Ann Magan.
- Latest