^

PSN Showbiz

Gamit sa pagluluto sa bahay, de uling at 'di rin ginagamit ang aircon kahit init na init na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hindi kami magtataka kung bakit yumaman nang husto ang sikat na beteranang aktres, kuripot kasi ito at hindi bulagsak sa pera.

Upang makatipid nang husto sa kuryente ay gumagamit ito ng kalan na de uling kapag nagluluto ng pagkain. Mismong mga katulong ang nagbulong nito sa aming source.

Kahit init na init ang aktres ay nagtitiis ang aktres na huwag gumamit ng aircon para makatipid sa kuryente.

Kaya tuloy may nag­komento na aanhin ka­a niya ang maraming pe­ra?

May edad na siya, dapat ay nag-e-enjoy na sa kanyang buhay.

Dolphy maayos na ang lagay

Ayon kay Eric Qui­zon, maayos na ang ka­lagayan ng amang si Dolphy. Nami-miss na nga nito ang muling pag­harap sa kamera.

Ayon pa sa actor-director, papayagan nilang muling magtrabaho ang ama kapag ready na talaga itong sumabak sa telebisyon via Pidol in Wonderland.

Kumpara kina Nora Aunor at Vilma Santos si Dolphy ang gusto ng mga nakararami na mahirang bilang National Artist ng bansa.

Happy Mother’s Day, mama!

Ngayong araw ipinagdiriwang ang Mother’s Day bilang parangal sa ating dakilang ina. Mapalad kami at buhay pa ang aming inang si Lydia Abuan na sa edad niyang 87 years old ay ma­lakas pa rin at matalas pa ang isipan. Sapul sa pagkabata at kahit anong busy sa kanilang ne­gos­yo ng aming ama ay may nakalaan itong oras sa pangangalaga sa aming magkakapatid, sabay-sabay na nagsisimba tuwing linggo at may mga out of town na maiikling bakasyon.

Naimulat ng aming ina ang kahalagahan ng kagandahang asal kahit naibigay niya ang luho sa aming magkakapatid. Hindi kami naging spoiled at malapit kami sa mga kapuspalad.

Sa lahat ng mga ina ng bansa namin pinupuri kayo!

AMING

AYON

DOLPHY

ERIC QUI

HAPPY MOTHER

LYDIA ABUAN

NATIONAL ARTIST

NORA AUNOR

SHY

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with