Dennis wala pang bagong assignment sa Kapuso
If only for the fact na walang takot na pumayag si Dennis Trillo na gumanap bilang kontrabida ni Ogie Alcasid sa pagsasabuhay sa pelikula ng isang popular na karakter sa programang Bubble Gang ay sapat ng dahilan para panoorin ang Boy Pick-Up. Isang comedy ang pelikula na hindi forte ng magaling na Kapuso actor pero siya ang humiling sa singer na gawin siyang kontrabida sa pelikula nito.
“Hindi ko akalain na kakayanin kong gampanan ang role ko. Mabait ang karakter ko, may dahilan kaya siya nagkaroon ng transformation.
“Wala kaming pisikal na away ni Boy Pick-Up, wala ditong violence.
Sa pagalingan ng pick-up lines kami magpapaligsahan,” kuwento ni Dennis habang nilalagyan ng tattoo ang kanyang mga braso at dibdib.
Magkaka-award ba siya sa role niya?
“Hindi ko masabi pero enjoy akong ginampanan ang role ko,” pasasalamat niya dahil wala pa siyang nakahandang bagong proyekto na papalit sa Biritera. Samantala, pang-apat na pelikula na ni direk Dominic Zapata ang Boy Pick-Up. Ang naunang tatlo ay ang Kuya, Mulawin the Movie at Valentine Girls.
Nang ialok sa kanya ni Ogie ang pelikula ay hindi agad niya nasagot dahil hindi niya kilala ang karakter. Kinailangang panoorin pa niya sa You Tube ang longest running gag show sa telebisyon na hindi lamang si Ogie ang bida, magkasama sila ni Michael V.
Nung una, ‘di malaman ng director kung komedi nga ba ang pinanonood niya, kasi hindi naman tumatawa ang mga artistang lumalabas dito. Katunayan, seryoso sila. “Sabi ko absurd, but later on na-realize ko na comedy nga ito, kaya lamang kailangan ng panahon para ito maintindihan. Decent and real comedy ito, maraming absurd humor, old school gags, new school humor. Malaki ang papel dito ni Ogie kaya I welcomed his insights, ‘yung mga inputs na ibinibigay niya. Hindi lang siya kundi maging ang ideas ng lahat, tinanggap ko lahat ng contributions nila,” sabi niya.
Sinangag magkakaroon ng pakontes
Masayang presscon ‘yung nadaluhan ko na ibinigay ng Ora Mix Mo ng Clara Ole, isang local food brand na ang pinaka-latest na produkto na ipinakikilala sa tao ay isang specialty fried rice mix. Para itong sarsa na madaling ihalo sa sinangag at nagtataglay ng iron na makakabuti sa katawan.
Mayroon ilang variants ang Clara Ole Ora Mix Mo, ang Java Rice, Japanese Fried Rice, Paella Rice, Beefsteak Rice, Tocino Rice at Adobo Rice, anim na fried rice mix na mabibili sa murang halaga lamang at available sa 30g (2-4 cups of cooked rice) at 120g (8-12 cups of cooked rice).
Bilang promo ng nasabing mga bagong produkto, magdaraos ang Clara Ole ng isang Sinangag Fest. Lilibot ang Sinangagfest roving public market caravan nationwide para maghanap ng 100 Clara Ole Ora Mix Mo sinangag recipes
Lahat ay maaring sumali. Bumili lamang ng pakete ng Clara OleMix Mo. Gumawa ng sarili mong sinangag recipe gamit ang anumang variant na gusto mo. Dalhin ito sa Sinangag Fest roving public market caravan.
- Latest