^

PSN Showbiz

Dennis at Bianca magpapaiwan sa Bora!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Kuwento ni Ogie Alcasid nang dalawin namin ito sa set ng pelikula niyang Boy Pick-Up, matutuloy na ang bakasyon nila ni Regine Velasquez kasama ang baby nilang si Baby Nate sa Singapore sa September.

Magkikita sila roon ni Michelle Van Eimereen kasama ang dalawa nilang anak at ang asawa nitong si Mark Murrow.

Kaya todo ang trabaho ngayon ni Ogie dahil kailangan niyang humingi ng bakasyon para may time uli sila ng pamilya niyang mag-bonding.

Malapit nang matapos ni Ogie ang Boy Pick-Up dahil sa June 6 na ang showing nito.

PAK: Magkasama na naman sina JayR at Krista Kleiner sa Boracay para sumali sa Kapuso Weekend in Boracay ng GMA 7.

Madalas silang magkasama pero ganun pa rin ang status ng kanilang relasyon na magkaibigan na lang muna.

Hindi pa makapag-decide si Krista kung tatanggapin niya ang panliligaw ni JayR para magkabalikan sila.

Hindi siya handa kaya sa ngayon ay mananatiling “friends” lang muna sila. Sabi naman ni JayR, kung hanggang friends na lang sila ni Krista, baka mamatay na lang siya.

Sey naman ni Krista, hindi naman niya i-allow na mangyari ’yun kay JayR dahil mahal pa rin naman niya ito.

Keri nyo pa ba ang drama ng dalawang ito? (Hindi na ateng. Sobra na, puwedeng tama na?! – SVA)

BOOM: Magkasama naman sina Dennis Trillo at Bianca King dito sa Boracay para sumali sa Kapuso Weekend in Boracay.

Hanggang ngayong araw lang ang naturang event pero magpapaiwan pa sila dahil isi-celebrate pa nila ang kaarawan ni Dennis na nag-birthday kahapon.

Kasama rin kasi ni Dennis ang buong pamilya niya, kaya itutuloy na raw nila sa birthday celebration.

Hindi lang gaanong komportable si Dennis dito sa Boracay dahil nagka-sore eyes na ito, kaya nahihirapan siya.

Wala naman silang inaamin tungkol sa kanilang relasyon pero nakikita naman na malalim na ang kanilang pagtitinginan.

 “Sa amin na lang ’yun. Basta okay kami. Tahimik lang naman talaga kami eh, kaya okay na ’yun,” pahayag ni Bianca.

Ayaw sabihin sa amin ni Bianca kung ano ang birthday gift nito kay Dennis pero naibigay na niya ito three months ago pa.

BIANCA

BIANCA KING

BORACAY

BOY PICK-UP

DENNIS TRILLO

KAPUSO WEEKEND

KRISTA

KRISTA KLEINER

LANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with