Gerald at John Lloyd pagsasabayin ni Sarah?
Malamang na pareho raw mag-apir sa concert ni Sarah Geronimo, SG/24 na gaganapin sa Araneta Coliseum sina Gerald Anderson and John Lloyd Cruz.
Parehong nakasama ni Sarah ang dalawa sa pelikula pero mas malakas ang kilig ngayon kina Sarah at Gerald bilang balitang magkarelasyon na ang dalawa.
Pero nang huling makausap ng press si Sarah, wala pa siyang kino-confirm na guest sa kanyang dream concert.
Pag nagkataon parehong nasa Big Dome ang dalawa, naku tiyak na kikiligin ang lahat ng mga manonood lalo na nga’t wala na ring sabit si John Lloyd na minsan na ring na-link kay Sarah pero pinag-usapang naging kontra ang nanay ni Sarah dahil inilihim sa kanila ang ginawa nitong panliligaw sa popstar.
May ginagawa sana silang pelikula pero naudlot dahil inuna ni John Lloyd ang The Mistress na balik-tambalan nila ni Bea Alonzo.
Anyway, isa pang balita ng isang malapit kay Sarah na as of last Friday almost three million na raw ang benta ng tickets para sa 24/SG concert. “Ang lakas. Nung first day na lumabas, marami na agad nagbilihan,” say ng baklitang source na taga-Viva.
Pia tiyan lang ang lumaki
Ang gandang buntis ni Pia Guanio. Nang makita namin siya sa birthday ng kaibigan at kasamahan sa trabahong si Jun Lalin, ni wala pang manas ang TV host. Wala rin namamaga sa ilong niya. Ang tanging nabago lang, lumubo ang tiyan niya.
Aktres, hindi makatagal sa isang lalaki
Pinag-uusapan na ang kakatihan ng isang actress. Hindi raw talaga makuntento ang nasabing aktres sa isang lalaki. “Kahit noon sinasabihan ko siya na ‘wag siyang patol nang patol kung kani-kanino. Ano na lang sasabihin ng mga tao sa kanya kung paiba-iba siya ng karelasyon,” sabi ng isang taong malapit sa actress dati.
“May sakit yata ‘yan day,” dagdag ng source na walang makapigil sa mga kinukuwento. “Pareho yata sila ni (sabay banggit ng pangalan ng isang actress). Hindi sila nagtatagal sa mga lalaki,” sabay tawa pa ng source.
Oo nga bakit ba hindi siya magtagal sa nagiging BF.
Naalala ko na tuloy ang isang pulitiko ang nag-i-ilusyon sa aktres na ito. Pero may asawa ang pulitiko. Seryoso raw ang pulitiko pero ewan ko kung naging sila ha.
- Latest