^

PSN Showbiz

Claudine pinasasampahan ng verbal abuse

- SEEN SCENE -

SEEN: “My dear brothers and sisters, take note of this, everyone should take time to listen. ‘Human anger does not accomplish the righteousness of God,” ang message ni Congressman Manny Pacquiao kay Mon Tulfo at sa mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ipinarating ni Pacman ang mensahe sa magkaaway na kampo sa television interview sa kanya sa Wildcard Gym sa Los Angeles, California.

SCENE: Simula sa Lunes, mapapanood na tuwing tanghali ang mga afternoon show ng TV5, ang Felina at Isang Dakot na Luha.

SEEN: Nag-umpisa kahapon ang nationwide auditions ng 2012 Miss World Philippines sa The Skydome ng SM North EDSA.

SCENE: Lilipad sa US sina Aga Muhlach at Derek Ramsay para sa grand launch ng TV5 International, ang international channel ng Kapatid Network

SEEN: Napaluha si Helen Gamboa sa video interview sa kanya ng Paparazzi. Napaiyak si Helen habang ikinukuwento ang naramdaman na sakit dahil sa dalawang taon na hindi nila pag-uusap ng kanyang pamangkin na si Sharon Cuneta.

SCENE: Ang reklamo ng mga artista ng GMA 7 na nagpunta kahapon sa Boracay para sa trade launch ng Kapuso Network dahil delayed ng tatlong oras ang kanilang flight.

SEEN: May mga kumukumbinsi sa dalawang empleyado ng Cebu Pacific na magsampa ng kaso laban kay Claudine Barretto dahil sa verbal abuse.

Suportado ng Commission on Human Rights ang magiging hakbang ng mga biktima ng verbal abuse ni Claudine.

SCENE: Hindi totoo ang mga balita na mawawala sa ere ang Talentadong Pinoy.

Nagsimula na ang auditions sa Kids Edition ng talent search show ni Ryan Agoncillo sa TV5.

SEEN: Naninibago kay Claudine Barretto ang publiko dahil hindi siya nagsasalita tungkol sa mga kaso na isinampa nila ni Raymart Santiago laban kay Mon Tulfo at sa mga kapatid nito.

Supportive at silent wife lang ang projection ni Claudine.

AGA MUHLACH

CEBU PACIFIC

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DEREK RAMSAY

HELEN GAMBOA

HUMAN RIGHTS

ISANG DAKOT

MON TULFO

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with