^

PSN Showbiz

Caloocan RTC, binasura ang motion for indirect contempt laban kay Mike Enriquez

-

MANILA, Philippines - Binasura kamakailan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 126 ng Caloocan City ang isinampang motion for indirect contempt ni Ronald Virola laban kay Mike Enriquez at sa GMA Network kaugnay sa ilang episode ng programang Imbestigador.

Nauna nang na-dismiss ng Korte ang civil complaint ni Virola laban sa batikang broadcaster at sa GMA dahil sa pag-ere ng police raid na ginanap sa tahanan ni Virola sa nasabing programa noong 2002.

Dito nabunyag ang pagmamay-ari ni Virola ng ‘di matukoy na dami ng regulated at prohibited drugs. Gayundin ang mga VHS tape na naglalaman ng mga nude at obscene footage ng iba’t ibang babae na mistulang nasa ilalim ng impluwensiya ng droga at tila pinagsamantalahan ni Virola.

Depensa ni Virola, wala di-umanong katotoha­nan ang mga krimeng ibinintang sa kanya ng programa kaya humingi ito ng 1.2 milyong pisong danyos mula sa GMA.

Noong November 10, 2011, na-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya. 

Sa inilabas na desisyon ni Presiding Judge Lo­ren­za Bordios, tinukoy ng Korte na ang mga nasabing episode ay  masasabing privileged communica­tion, at isang tapat at patas na pag-uulat ng mga ba­gay na dapat malaman ng publiko.

Nagsampa  ng  motion si Virola upang ireklamo ang muling pagpapalabas ng GMA ng kuwento ukol sa kanya noong January 7, 2012 sa kabila ng  pag-apila nito sa desisyon ng korte.

Sa order na inilabas ng Caloocan RTC, dineny ang motion na isinampa ni Virola dahil sa lack of jurisdiction dahil kasalukuyan ng nakabinbin sa Court of Appeals ang kanyang appeal.

CALOOCAN CITY

COURT OF APPEALS

KORTE

MIKE ENRIQUEZ

NOONG NOVEMBER

PRESIDING JUDGE LO

REGIONAL TRIAL COURT

RONALD VIROLA

VIROLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with