'Kawawa ako pag hindi ako natuto' - Sarah
Sabi ni Sarah Geronimo, ang ibig sabihin ng 24/SG title ng kanyang concert sa Smart Araneta Colisuem sa July 7 ay dahil magtu-24 years old na siya sa birthday niya sa July 25. May pagka-theatrical naman ang concept ng birthday concert niya sa direction ni Paul Basinillo at musical director si Louie Ocampo.
Wala pang mabanggit na songs na kasama sa kanyang repertoire si Sarah, basta ang alam niya kabilang sa mga kakantahin niya ang ilang tracks sa bago niyang album sa Viva Records na ire-release before her concert.
Wala pa rin siyang final guests at sa suggestion ng press na i-guest niya sina Gerald Anderson at Rayver Cruz, smile lang ang sagot nito. Mag-ready lang siya dahil siguradong mag-iingay ang fans nina Gerald at Kim Chiu.
“Dream concert ito, mapapagastos ng malaki ang Viva Concerts and Events kasi gusto namin the best ang i-offer sa audience. May pagka-fantasy din ang concept,” sabi ni Sarah na excited na ring gawin ang concert.
Napansin ng press na teary eyed si Sarah nang pag-usapan ang wisdom na wini-wish niya sa kanyang birthday. Nasa stage na siya sa buhay niya na gusto niyang maging independent dahil tumatanda na siya.
“Mahirap kung sanay ka sa ginagawa ng parents mo, hahanapin mo ’yun, maninibago ka and you’ll feel lost pero kailangan kong matuto. Kawawa ako ’pag hindi ako matututo,” pahayag ng pop singer-actress.
“Yes!” at “Opo” ang sagot ni Sarah sa tanong if she wants freedom pero dapat responsible siya sa freedom na ibibigay sa kanya ng mga magulang.
Jolina inuuna ang paghahanap ng bahay kesa magka-baby
Si Jolina Magdangal-Escueta ang host ng Personalan nang bumisita kami sa taping at maganda ang sagot nito kung bakit niya tinanggap ang mag-host ng programa ng GMA News TV Channel 11, napapanood 7:00 p.m., Monday to Friday and that day, si Noel A?onuevo ang director.
“Tinanggap ko ito dahil gusto ko magpapayo ako. Gusto ko ng feeling na may naibibigay akong words of wisdom na galing sa puso ko. Kung ano ang nasa isip ko, ’yun ang sinasabi ko. Nagustuhan yata nila ’yun, kaya kinuha ako,” sabi ni Jolina.
Si Jean Garcia ang ka-alternate ni Jolina sa pagho-host ng Personalan at dahil parehong bago sa trabahong ito, nadadala pa sila ng kanilang emotion. Sa episode na aming pinanood ay umiyak si Jolina, naapektuhan kasi, at pagligo ng cold water ang isa sa mga pampaalis niya sa mga naa-absorb na negative energy.
Inalam ng press kung kailan magkakaroon ng baby sina Jolina at mister nitong si Mark Escueta. Inuuna pala nila ang maghanap ng bahay, ilang months na silang nagha-house hunting at kapag nakakita ng bahay, saka na sila magbi-baby.
TJ busy na sa bagong trabaho
Nakita namin si TJ Trinidad sa star-studded 42nd birthday party ni Jun Lalin sa Imperial Palace Suites last Thursday at ang taping nga ng Makapiling Kang Muli ang rason kung bakit hindi siya nakasama sa grupo ng GMA Films para sa red carpet premiere ng The Road.
For sure, nabalitaan ni TJ ang magandang pagtanggap ng critics na nakapanood ng movie. Sa Rotten Tomatoes website nakasulat na “71 percent critics liked it” at “80 percent users liked it.”
Direk Louie sinundan si Wilma Galvante sa TV5
Tsika ng isang kaibigan, nakita niyang nag-report sa The Fort, Taguig City office ng TV5 si Ms. Wilma Galvante na after mag-retire sa GMA 7 ay kinuhang consultant ng TV5.
Napanood din si Direk Louie Ignacio sa grand finals ng Talentadong Pinoy bilang isa sa mga menors ng finalist. Ang sabi, kinuha na rin ang director ng TV5 at magdidirek ng talk show ng network. Sabi, sumunod si Direk Louie sa lady executive.
Hindi lang namin alam kung iiwan din niya ang pagdidirek ng Manny Many Prizes kung totoo ngang kinuha siya ng TV5.
- Latest